Dear Poi,
Hi Poi! Haha, namiss ko tong name na to. Sobrang tagal na kitang di natatawag na Poi. Ni minsan din di ko narinig sayo na tinawag mokong Jacque. Ano ba ang dapat kong sabihin? Mangungumusta ba muna? Uhmmmm, wag nalang yan.
Poi, alam mo minsan naalala ko pa yung memories natin. Yung panahon na nahanap kita- grabe ang iyak ko nun kasi na overwhelmed ako nun. Noong time na tinawagan mo'ko, di ko talaga un malilimutan-- 18th birthday ko un eh.
Naalala mo pa ung panahon na iniwan ako ng relatives ko sa pier? Ung ako lang mag-isa umiiyak sa labas habang tinitingnan ko silang umaalis? Sayo lang ako umiyak nun, ikaw lang iniyakan ko nun. Pero mas pinaiyak mo ko nun kasi pinarinig mo saken ang heartbeats mo. Ang sarap sa pakiramdam nun! Feeling ko nun ako ang tinitibok ng puso mo nun.
Naalala mo ung panahon na nag-confess ako sayo? Sabi ko kahit anong gawin ko hindi talaga kita makalimutan. Kahit anong gawin ko mahal pa rin kita. Pero wala kang sagot nun. Natahimik ka lang. Alam ko namang di moko mahal. Pero masaya ako kasi nasabi ko un sayo. Ang hirap talaga magmove-on lalo na at siyam na taon kitang pinangarap. Pangarap kita eh! Hindi ako nag-expect nun na sabihin mo ring mahal mo'ko, pero deep inside I was hoping na sana isang araw marinig ko rin ang mga salitang un. Ganyan ako nun-- nung mahal pa kita.
Poi, namimiss pa rin kita. Namimiss ko lang ung panahon na naging kaibigan kita--parang bestfriend pa nga kita nun eh. Namimiss ko un! Ung palaging ikaw katext ko, kakulitan ko, kausap ko, katawanan ko, karamay ko, naiiyakan ko, napagtatarayan ko-- lahat-lahat! Miss ko un Poi! Babalik pa kaya tayo sa dati? Bakit tayo naging cold ngayon? Bakit kahit simpleng HI hindi ko masabi sayo? Nakakainis! Sayo ako pinaka-comfortable nun eh, pero ngayon nakakailang na... Bakit ganun? Sana bumalik pa un...
Nga pala, naka-move on na rin ako. I'm so happy kasi sa wakas after how many years wala na rin akong nararamdaman para sayo. Achievement to ah. Sarap sabihin sayo na nakamove-on nako pero wala ka namang kinalaman sa feelings ko... hahaha... Sana mabasa mo to. Sana one day masabi ko ang lahat ng 'to sayo. Sana one day maging okay ulit tayo. Sana.
Hanggang dito nalang Poi. I miss you Bantooot.
Yours truly,
Jacque :)
* * *
"Iyang pinapangarap mo, may pinapangarap pa lang iba." - pilosopongbasha
BINABASA MO ANG
Mailbox
RandomHindi po ito story. Compilation ito ng mga letters na ipinadala sa akin. Yep, papalitan ko na si Ate Charo pero duh maliit ang nunal ko. :)