Paulit-ulit

483 14 3
                                    

Ang totoo  niyang hindi iyan ang codename niya. Ako lang nag-gawa gawa niya. Paulit ulit kasi siya. Hahahaha! Siyempre masaya ako kasi tinatangkilik niya ang aking tindahan. Bili lang po kayo ng bili. Meron akong Boy Bawang at Marys diyan saka Colgate na Close Up.

HINDI AKO ANG NAG-JOKE! Yung hacker yan. May tindahan na rin. 

Dear Basha,

Ruwing dumidilim ang langit dito sa Tacloban at umuulan halos kaming lahat ng roommates ko ay natataranta, natatakot at kinakabahan. Feeling namin kasi babagyo na naman gaya ng Yolanda. Kahit alam naming ulan lang naman eh grabe na kami maka react.

Alam kong feelures kami simula nang dumaan si Yolanda sa buhay namin. Pero hindi na namin maalis alis ang Feelurity namin ... Huhuhu ...

Bakit kami nagkakaganito? Trauma ba to? Kung Uo ... May surgery na ba para dito??

[Umuulan na naman ngayun at nararamdaman kong kinakabahan ako... dugdugdug...]

Lubos na gumagalang,

FluffyMarsh

* * *

Una sa lahat hindi ko alam kasi wala naman ako sa Tacloban noon. Hahaha. Uy ha hindi ko ginagawang joke ang bagyo na iyan. Sa katunayan nag-part time factory worker at kargador ako noong kasagsagan ng issue na yan. Nagbuhat ako ng karton karton ng sardinas at nag-repack ng mga pagkain. Tapos nag-donate pa ako ng mga damit. Dinonate ko pa ang stuff toy ko na si Papa Bear. Huhu. Papa Bear.... Papa Bear.... Papaaaaaa Beaaaaaaaaaaarr *pak* sinampal ko sarili ko. HAHAHAHAHAHAHA! Oh di ba, ang bait ko? Mabait naman talaga ako. Mabait talaga. Jusko naniniwala ako diyan. Walang ibang maniniwala sa akin kung hindi ako mismo ang maniniwala sa saril koi. Wala na akong naintindihan sa sinabi ko. Hahaha!

Sa susunod na sumulat ka maniningil na ako. Ano lang, isang kilong bigas lang. Wag mo ng lutuin dahil alam kong wala kayong Gasul. HAHAHAHAHAHA! Oh siya ito na, normal lang ma-trauma. Pero kung sa tingin mo ober na. Yung tipong tirik na tirik naman ang araw pero ayan ka nagsisisigaw sa labas na "May bagyo! May paparating na bagyo!!!" Aba iba na yan. May tama ka na sa utak. Aagawan mo pa ako ng role. HAHAHAHA!

Ayoko ng mag-advice kasi mabait na ako. Next letter na!

MailboxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon