From Chaks

411 14 37
                                    

Bago niyo basahin 'to. Pinapaalala ko lang ulit sa inyo yung sulat ni Chicks, naalala niyo pa? Well, sinagot ni Chaks ang sulat niya. Ewan ko, nangangatog ako habang binabasa 'to. HAHAHAHAHA! May rayuma kasi! LOL!

Dear Chicks,

Hello, Chicks....

Yun lang talaga ang pinunta ko dito, para maghi. Sige, una na ako.

Hahaha. Tsk, alam mo naman kung gaano ako kahina sa mga ganito. Hindi ko talaga alam kung paano ako magsisimula. And honestly speaking, hindi ko din alam kung paano ako napadpad dito sa mailbox ni Basha, at yun nga nabasa ko ang sulat mo.

At first, I was speechless. Hindi ko alam kung ano gagawin ko habang binabasa ko letter mo word by word. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Hirap iexplain, hirap idescribe. But right after I finished reading the whole letter, ewan ko. Ang gusto ko lang gawin that time eh ang yakapin ka. An act for sending you my gratitude for everything. An act for you to know that I'm deeply sorry as well.

Oo, alam ko, may mali din ako. Aware ako doon. The fact that, tulad ng sinabi mo, nawala ang delikadesa mo? Doon pa lang alam ko na may fault din ako. I'm soooo sorry. Asdfghjkl! Nagalit ako sa sarili ko nang malaman ko yon. May ginawa dapat ako eh, but I chose not to. May choice ako, pero hindi ko ginawa.

Naaalala mo ba yung pinagusapan natin dati? Yung nagkukunwari tayong magkaaway? As far as I can remember, may napagusapan tayo na, "Oh, baka mamaya niyan magkatotoo ang away natin. Umabot pa sa parinigan at block." Kung oo, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang magkakatotoo nga yan. Ang biruan natin dati unexpectedly came true. Hindi naman magandang experience. Tsk.\

Sa ngayon, siguro dapat na lang din ako maging masaya since the both of us are finally moving on. To tell you the truth, habang inaalala ko ang sulat mo at ginagawa to, ang mga naaalala ko lang eh yung trip natin. Lalo na yung minention mo sa letter. Hindi ko naman kasalanan na nakita ko mga DP nila ah? Sadyang nakita ko lang talaga DP nila tapos ayun... Sabi ni mama, kung wala naman daw akong magandang sasabihin, wag na lang akong magsalita. Tatahimik na lang ako. Dapat pala, dati pa lang nanahimik na ako. Hahahaha. At oo, namimiss ko din kaya yun. Sino ba kasi lagi ang nagsisimula ng mga panglalait na yan? Hahaha.

In my current state, alam mo bang ang mga naaalala ko lang eh yung mga trip natin? Kinalimutan ko na lahat ng mga naging dahilan ng pagaaway natin. And I hope ganun ka na rin? What's important is that alam natin ang mga mali natin and we learned our lessons from that experience. Hindi man naging madali, hindi man naging masaya, at least masasabi natin na may nabaon tayo. Akin 500, sa'yo magkano?

Hahahaha. Wala. Hindi talaga ata bagay sa akin ang seryoso. So yun, salamat din sa lahat. Sa lahat lahat. :)

Nagdadrama,

na si Chaks eh hindi naman bagay.

PS. Mali na naman ang paling ng bibig ng ":\" emoticon mo. ":/" Dapat yun. Hahaha.

* * *

I don't know what to feel. Gaaaaah! Ayoko na. Chos! Eh ba't ako ang nag-rereact eh hindi naman ako si Chicks! LOL! But, thank you sa pag-respond sa sulat ni Chicks para sayo. Hindi naman kailangan ng reply yun pero you wrote her a letter too. Sana maging maayos na kayo. 

PS: Nalilito pa rin hanggang ngayon si Chicks sa emoticon na yan. Ba't kasi kailangan tabingi? HAHAHAHA! Wag kayong ano, nakausap ko siya kanina. xD

MailboxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon