Shout out nga pala diyan sa mga iniwan. Saan ba kasi siya pupunta? Bakit kasi hindi ka nagsapatos agad at sumama? Hahaha. xD Wag ka ng mag-emo diyan, malay mo nagpunta lang siya sa 7-11 kaya tahan na. Sayo din naman yan uuwi. Remember, a love that's true will always find it's way to you and if it doesn't, he's not the one for you.
MOVE ON. Humahaba pa rin ang buhok natin, tumataas pa rin ang presyo ng bilihin, dakdak pa rin ng dakdak ang nanay mo sa umaga, tinutubuan pa rin ng pimples ang kapitbahay mo. See? Life goes on.. Wag kang ma-stuck. Sulatan mo ako. Bukas ang pinto ng inbox ko...
HACKER: Iba na yan Basha. Ngayon lang ako nakakita ng inbox na may pinto. HAHAHAHA!
Dear Basha,
Bago simulan ang NKKLK kong chika sayo, gusto kong magpasalamat kasi inanyayahan mo akong maging parte ng mga kalog na costumer ng isang kalog na writer.
So eto na. May mga kaibigan ako, pito sila. Dami noh? Pero di sila kasali sa chikka ko. Gusto ko lang i-share sayo na friendly ako. Hahahaha. May dalawa na akong ex boyfriend pero hindi din sila kasali sa chikka ko sayo. Hahaha xD Sinabi ko lang ulit para malaman mo na kahit papano ay may nagkamali at pumatol sakin. Hahaha.
Eto na nga...
May crush kasi ako. Itago natin sya sa pangalan na Kier. xD.Joke lang, yan talaga pangalan nya. Nung 2nd yr HS, nag quit ako bilang Feature Editor sa school paper namin para mag audition sa Broadcasting category, kasi andun sya. Hihihi. Grabe nung nakuha ako sa Broadcasting team EMEGED. Em se kenekeleg. Talande. Haha.
Kala ko magiging ka-close ko sya nun. -,- Akala ko lang pala. Ajujuju.
Walangyang yun! Nung lumaban kami ng broadcasting sa ibang school, nangailangan kami ng maraming bond paper para sa script namin, eh kami lang ung wala pang gagawin kaya bumili kami sa malapit na bookstore. Aba't tuwing sasakay at bababa kami ng tricycle, hindi sya namamasahe! Walanjo sya! Pero syempre kras ko sya, kaya ako na nagbayad nun.
Tapos nung nasa contest proper na agawan ng upuan kasi madaming participants. May nakuha akong upuan para SA AKIN. Tapos binaba ko sa upuan yung bag ko kasi pinatawag na ung anchors, tapos pagbalik ko, siya na nakaupo sa upuan ko, tumingin sya sakin at inabot bag ko sakin! NKKLK.
Pero dahil nga kras ko, hinayaan ko nalang, buti may nagvolunteer na nagbigay ng sit sakin.
Tapos pag nasa school, pag magkakasalubong kami, lagi syang nakangiti, ewan ko kung nagagandahan sya sakin o talagang nagagandahan lang sya sakin pag makikita ako dun. HAHAHAHA. Kaya syempre nakakakita ako ng liwanag. Hihihi. Iniisip ko kras nya din ako! Hahaha. Harttrab sya sa skul, siguro kahit nangungulangot at nagkakamot sya ng pwet ang pogi nya pa rin tignan. Hahahaha. Ewerr. xDD
Pero lahat na ata ng pinakanakakahiyang nangyayari sakin, sya ang nakakakita.
Example, nangangati ilong ko, syempre pasimple kong kakamutin, na parang nangungulangot ako, pero hindi naman nangungulangot talaga, tapos dadaan sya sa gilid ko at mapapatingin sya, tapos tataas kilay! Tapos nung nadulas ako sa TLE Garden kasi ung paruparo hinahabol ko, eh madulas pala ung putik dun! Nakatingin sya sakin habang naghihirap akong tumayo kasi nga madulas talaga! Di naman sya tumatawa o ano. Nakatingin lang.
Tapos nung birthday ko!
Graduate na sya nun, kaya nagulat ako nung mismong birthday ko, nagpunta sya sa school. Feeling ko ako pinunta niya dun. WAHAHAHA. Kumontra babagsakan ng eroplano! Wahaha. Tapos ayun nga, pababa ako ng pathway, eh malay ko bang mabuhangin eh tumatakbo ako. Sa baba siya ng Pathway, tapos tapos tapos... NADULAS AKO! Para akong nagsurfing sa harap nya na muntanga kasi nagbabalance ako. >___< tapos bumagsak ako mismo sa harap nya.
Hindi kami friends sa Facebook. Kaya 2 days after nung bday ko, nag-open ako. Ang I almost make iyak iyak eh lupasay pa sa harap ng laptop ko kasi nag friend request sya. Omg. Kami na! Alam ko liligawan nya na ko nun. Wahehehey. Pero may masamang kaluluwa na humawak sa kamay ko at PININDOT ANG NOT NOW BUTTON! T^T Huhuhu. Ang tanga ko.
Tapos nag msg ako sa knya, tapos nagsend ako ng friend request pabalik sa kanya. Kako, ui sorry. pa-accept pls. T^T
tapos...tapos...
T^T
seen.
WAAAAAAAH!! ANG SAKEEEET! T^T
Tapos ung friend request ko... ignored! UWAAAAAAAAAHHH!
BASHAAAAA. BAKEEEEEET?????!!!!! WAAAAAAAHHH.
T^T
Love,
Hime.
* * *
Congratulations! Ikaw ang nanalo sa one shot writing contest. HAHAHAHAHA!
Sa hinaba-haba ng love story mo sa seen zoned lang pala mauuwi. Jusko! Umayos kang bata ka. Tigilan mo na yang crush mo, I bet kung maging jowa mo yan hindi man lang niya maa-upsize ang Coke mo! HAHAHAHAHAHA! xD
BINABASA MO ANG
Mailbox
DiversosHindi po ito story. Compilation ito ng mga letters na ipinadala sa akin. Yep, papalitan ko na si Ate Charo pero duh maliit ang nunal ko. :)