Yow! Bago ang shoutout, napapansin niyo ba ang DP at BG ko? Bagay kami ni Ian Somerhalder di ba? Yieee! Alam kong tumango kayo. Ang hindi tumango i-hahack ko ang mga account.
HACKER: Aha! Ikaw pala ang tunay na hacker!
Sino kausap ng hacker na iyan? HAHAHAHAHA! Anyway, shoutout nga pala sa mga may birthday ngayon! Weee... Paramdam ka naman. Padalhan mo naman kami kahit mantika lang ng palabok o sebo ng lechon. Pwede na iyon tutal sanay naman ako dun. LOL! Happy Birthday Mailboxer! We love you.. Mwuah!
Dear Lola Bashang este Ate Basha,
Sumulat ako kasi naiinis ako sa tatay ko dahil alam ng busy ako sa pagbabasa ng Wattpad at bigla bigla akong inuutusan. Di ba nakakabuset?!
Pero the truth is may tanong ako. Kung ang asong kalye ay askal ano ang pusang kalye? At ilan ang butas ng skyflakes
Umeechos lang,
Lecheng Flan
* * *
Hoy yung sulat mo! HAHAHAHAHAHA! Ang laki ng problema mo. Pati mga aso't pusa pinoproblema mo na. Malala ka na, guard! May nakapasok na may tililing dito. Masyadong nakalog. HAHAHAHAH!
De seryoso, ang tawag sa pusang kalye ay tiger. Hahahaha. Siyempre wild na siya at strong so tiger na siya. Ikaw ba naman lumaki sa kalsada hindi ka magiging matapang?! Tingnan mo katabi mo ngayon. HAHHAHAHA!
At yung butas sa Skyflakes naman, may 6 holes ang cracker pahalang at 9 holes pababa at 3 crackers ang laman bawat isang pack ng Skyflakes therefore 6 x 9= 54. 54 x 3 = 162. So ang butas ng Skyflakes ay 162. Wohooo! Naitawid ko rin ang lechugas na Math na iyan! Isugod niyo na po ako sa malapit na hospital, nahihilo na ako. Bumababa ang blood pressure ko. HAHAHAHAH!
BINABASA MO ANG
Mailbox
RandomHindi po ito story. Compilation ito ng mga letters na ipinadala sa akin. Yep, papalitan ko na si Ate Charo pero duh maliit ang nunal ko. :)