DreamAegYo

254 8 3
                                    

Shoutout sa mga may matataas na grades sa Math. Yehey! Sabi sa inyo good influence ako eh. Ang galing galing ko kaya sa Math. Jusko, sisiw lang sakin yang mga tangent cotangent na iyan. Wag lang kayong magbibigay ng problem ngayon, busy ako. Marami pa akong nilalabhan, hindi pa ako tumatanggap ng labada. Hahaha!

Dear Ate Basha ,

Ate yung dati ko pong crush kasi eh ano yung nahalata niya siguro na crush ko siya bigla siyang lumayo sa akin. Yung tipong hindi na niya ako kinakausap at sinasagot sa mga tanong ko. Naninibago lang po kasi ako kasi bago niya nalaman ay close kami as in inaakbayan ko po siya at ganun din po siya.

Tapos po nawala na po yung pag ka crush ko sa kaniya ngayon pero napansin ko naman po na dikit ng dikit na po siya sa akin tapos po ilang beses ko na po siyang nakita na nakatingin sa akin tapos biglang titingin sa itaas. Na guguluhan na po ako sa kaniya eh.

Tapos naman po yung isang kaklase ko naman ayaw ko naman pong mag assume pero lagi ko rin pong nahuhuli na nakatitig sa akin tapos tinanong niya pa one time na kung ano ang nagustuhan ko kay *insert name of old crush* .

Ate ano pong masasabi niyo po sa kinikilos nila? O sadyang assumera lang po talaga ako. Heheheheh .

Thank you po !

Love,

DreamAegyo

* * *

Gaaaaah! May gusto sayo si old crush. Narealize niya lang iyon nang hindi mo na siya gusto. Eeee! Ewan ko lang ha, malakas talaga ang instinct ko. Kung hindi mo natatanong, instinct ang superpowers ko. Hindi pa pumapalya ang instinct ko. Totoo iyan. :))

Dun naman sa isang lalake, ay naku huwag mo ng pagtuonan ng pansin. Bahala siya. xD Siguro nagpapaganda ka na noh? Kasi ganoon iyon eh. Kapag nag-bloom na ang isang babae, dun papasok ang "distraction" ni guy sayo. Alam ko kasi nangyari sakin yan, pero hindi naging kami ng crush ko noon kasi sinampal ako ni mama... ng flashlight. Para daw maliwanagan ako na mag-aral muna bago manlalake. HAHAHAHAHA! So hanggang crush lang ha? Kundi makakatikim ka ng flashlight with two double A Eveready batteries sa nanay mo. 

MailboxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon