BFF 1: Decision

505 18 4
                                    

Ac's PoV
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Trixie yung tungkol sa pag-alis ko. Sa America na kasi ako mag-aaral. Nagmakaawa na ako sa parents ko kasi ayokong iwan yung bestfriend ko. Alam kong kapag nalaman ni Trixie na aalis ako magagalit sya sa akin, kaya nga hanggang ngayon hindi ko masabi sabi sa kanya kasi natatakot akong magalit sya sa akin.

~~~Knock~~~Knock~~~

"Pasok!" Sabi ko. Tama lang yung pagkakasabi ko para marinig nya. Tumingin ako sa pinto, nakita ko si Mommy na sinasarado yung pinto. "Mommy bakit po?" Tanong ko. Kasi bihira lang pumunta dito si Mommy sa kwarto ko. Pag ganyan si Mommy may sasabihin yan na mahalaga. Kaya nakakapagtaka. Lumapit sya sa akin.

"Anak, nasabi mo na ba kay Trixie?" Tanong ni Mommy. Napayuko ako sa tinanong ni Mommy. Paano ko sasabihin kay Trixie kung hindi ko naman kaya?

"Hindi pa po Mommy" sagot ko. Umupo sya sa tabi ko tyaka nya sinandal yung ulo ko sa balikat nya. "Natatakot po kasi ako eh" dagdag ko.

"Saan ka naman natatakot?" Tanong nya.

"Natatakot po kasi ako na magalit sya sakin" sagot ko.

"Alam mo anak, wag kang matakot. Kilala natin si Trixie hindi yun basta basta magagalit. Tyaka bestfriends kayo hindi ba?" Tanong nya. Tumango lang ako. "Ayun naman pala eh! Ikaw ang higit na nakakakilala sa kanya. Sige ka, kapag hindi mo pa sinabi sa kanya baka lalong magtampo yun sayo. Gusto mo ba yun?" dagdag nya. Nabuhayan agad ako ng loob sa sinabi ni Mommy. Tama sya, ako ang higit na nakakakilala kay Trixie. Tumayo agad ako tyaka ako dali daling humalik sa pisngi ni Mommy. Pagkasarado ko ng pinto sumigaw na si Mommy. "Nak, saan ka pupunta?" Sigaw ni Mommy. Binuksan ko ulit yung pinto.

"Mommy pupuntahan ko lang si Trixie sa bahay nila." Dali dali kong sabi tyaka ko ulit sinarado yung pinto. Bumaba agad ako ng hagdan.

"Mag-iingat ka anak!" Rinig ko pang sigaw ni Mommy bago ako makababa ng tuluyan.

Pagbaba ko nakita ko kaagad si Daddy. Patay! Paano ako makakaalis nito? Naku naman Daddy! Wrong timing ka eh! Bahala na nga.

Tumakbo agad ako palabas ng bahay. Narinig ko pang sumigaw si Daddy.

"Ac! Saan ka pupunta? Diba sabi ko sayo grounded ka!" Sigaw nya. Hindi ko sya pinansin. Bahala na si Batman mamaya pag-uwi ko, panigurado papagalitan nanaman ako nyan.

Nakita kong may humahabol sa akin. Shems! Yung mga bodyguard ni Daddy. Pinasundan nya pala ako kanina. Shete talaga oh!

Tumakbo ako ng tumakbo kahit alam kong sinusundan nila ako. Hanggang sa may mapadaan na sasakyan. Tinignan ko yung plate number. Shems! Si Kenneth to ah! Anong ginagawa nya dito sa Village namin? Diba sa kabila yung Village nila. Ay nako! Bahala na ngan tinignan ko yung mga bodyguards ni Daddy. Tibay ng mga toh ah! Kanina pa ako sinisundan. Hindi nila pwedeng makita na sasakay ako sa sasakyan ni Kenneth baka mabugbog pa toh.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa kumaliwa ako sakto naman kasi kumaliwa din si Kenneth. Pinara ko yung kamay ko. Huminto naman sya. Paghinto nya binuksan ko kaagad yung sasakyan nya. Nagulat ata sya.

Hay nako Kenneth! Wag ngayon please! Kailangan kong makausap si Trixie bukas na flight namin papuntang America.

"Paandarin mo na! Bilis!" Sabi ko. Ang bagal kasi eh! Pinaandar nya na yung sasakyan nya.

"Saan ka ba pupunta?" Tanong nya habang nagdadrive.

"Kay Trixie" sagot ko. Alam naman nya yung bahay nila Trixie kaya hindi ko na dapat sabihin sa kanya.

"Bakit ka ba pagod na pagod?" Tanong nya. Balak nya bang maging newscaster? Tanong sya ng tanong eh!

"Hinahabol kasi ako ng mga bodyguard ni Daddy" sagot ko.

"Tinakasan mo nanaman noh!?" Tanong nanaman nya. Alam kasi nya kapag hinahabol ako ng mga bodyguard ni Daddy eh. Syempre, nanliligaw sya sa akin eh! Oh wag kayong ano dyan!

"As usual!" Sarcastic kong sabi.

Bestfriends ForeverWhere stories live. Discover now