BFF 22: Teddy Bear

51 0 0
                                        

*Knock*Knock*

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Nakita ko itong bumukas kaya nilapag ko sa side table ko yung kinakain ko at umayos ng upo sa kama. Nakangiting pumasok sila Mama at Papa. I prefer na tawagin silang Mama at Papa since may tinatawag na akong Mommy at Daddy. Kahit papano naman inalagaan at binihisan ako nila Mommy at Daddy kahit galit ako sa kanila. Umupo si Mama at Papa sa kama malapit sakin. Nakayuko lang ako.

"Anak, pasensya na kung naging makasarili kami ng Papa mo noon." Panimula ni Mama.

"Ano bang nangyari? Bakit niyo ako pinaampon?" Tanong ko.

"May sakit noon ang kuya mo at----" Hindi ko na narinig ang sinasabi nila Mama dahil biglang sumakit yung ulo ko.

"Aray!" Napasigaw ako dahil sa sakit ng ulo ko. Parang pinupukpok ng martilyo at nabibiyak ito dahil sa pagkakapukpok.

***Flashback Years Ago***

I am only 6 years old.

"Mama! Papa!" Sigaw ko. Kanina ko pa kasi hinahanap si Cai yung teddy bear ko dito sa kwarto. Dito ko lang naman nilapag sa ibabaw ng kama ko. Malaki yun kaya mabilis lag mahanap.

"Princess, why are you shouting?" Papa asked pagpasok pa lang ng kwarto ko. Si Mama pinuntahan ako dito sa may kama ko.

"Bakit anak? May problema ba?" Tanong naman ni Mama. Tumango ako.

"Mama, Papa, Nakita niyo po ba yung teddy bear kong si Cai?" Tanong ko. Umaasa na sana Nakita nila. Yun na lang kasi ang natitirang bagay na nagpapaalala sakin kay Caitlyn ang kapatid ni Kenneth na bestfriend ko. Wala na kasi siya, nasa ibang bansa. Dun na daw sila for good.

"Ah yun bang teddy bear na gift from Caitlyn?" Tanong ni Mama. Agad akong tumango. "Hindi ko Nakita eh. Ikaw ba Dhie, Nakita mo?" Tanong ni Mama kay Papa.

"Hindi rin anak." Sagot ni Papa. "Pero natanong mo na ba ang kuya mo tungkol dyan?" Agad akong umiling. "Parang napansin ko kasi kanina na may bitbit na teddy bear ang kuya mo papasok sa kwarto niya pero hindi ko alam kung sayo yun."

Agad akong tumakbo palabas ng kwarto ko. Ano naman gagawin niya sa teddy bear ko? Hindi kaya... No! Pag may ginawa ka sa bear ko, humanda ka sakin!

"Kuya!" Kinalampag ko ang pinto niya. Baka sirain niya pa yun, burara pa naman yun sa gamit. Binuksan niya ang pinto.

"Ano ba yun lil sis?" Tanong niya pero hindi ko yun inintindi, pumasok agad ako sa kwarto niya. Pagpasok ko as usual ang gulo ng kwarto niya. Agad kong hinanap si Cai pero wala akong nakitang bear dun kaya tumingin ako sa kanya.

"Kuya, where's Cai?" Tanong ko.

"Ah si Cai? Andun sa labas nagpapaaraw." Sabi niya sabay ngiti.

Hindi ko siya pinansin. Lumabas ako ng kwarto niya sabay takbo palabas ng Bahay. Nadatnan kong putol ang ulo, kamay at paa ni Cai sa labas. Nakahilera pa ito sa isang mahabang upuan. Ulo, mga kamay, tyan, at mga paa niya. Napahagulhol ako ng iyak. Tumakbo ako papunta sa katawan ni Cai.

"Cai!" Sigaw ko sa pangalan ni Cai. Matagal ng nasa akin si Cai, 3 years tapos masisira lang siya ng ganito.

2 days na simula nang sirain ni kuya si Cai ang teddy bear ko. 2 days narin akong nagkukulong sa kwarto ko. Dadalhan ako ng pagkain tuwing 8:00am for breakfast, 11:30am for lunch, 3:00pm for meryenda, and 7:00pm for dinner. Si Mama o si Papa ang nagdadala ng food ko pero sa labas lang ng kwarto ko. Kapag tapos na ako kumain iniiwan ko yung pinagkainan ko sa labas ng pinto. Walang oras na hindi ako umiiyak kapag kasi naaalala ko yung itsura ng teddy bear ko na hiwa-hiwalay ang katawan naiiyak ako. Yan! Umiiyak nanaman ako. Naaalala ko nanaman kasi eh. I promise kasi kay Caitlyn na aalagaan ko si Cai kahit anong mangyari. Hay! Im sorry, Caitlyn.

Bestfriends ForeverStories to obsess over. Discover now