BFF 3: Goodbye Phil. and hello America

150 4 0
                                    

Sana hindi sya magalit.

"America?" Gulat nyang tanong. Huhuhu! Sabi ko na nga ba eh!

"Oo" nakayuko kong sagot.

"Hanggang kailan ka dun?"

"Hindi ko alam, wala namang sinabi si Daddy eh" kibit balikat kong sagot.

Nagulat ako ng bigla nyang kinuha kamay ko.

"Basta Bes walang kalimutan tyaka walang magbabago ah! Video Call na lang tayo pag nandun ka na" sabi nya. Hindi ko na napigilan sarili ko kaya nayakap ko sya.

"Bes, sorry ah! Hindi ko matutupad yung pangako natin sa isa't isa" sabi ko.

"Ano ka ba okay lang yun! Sundin mo na lang si tito Cj" sabi nya. Thankful talaga ako kasi napaka maunawain nya sa mga ganitong bagay.

~~~~~~~~~~~~

Hinatid ako ni Trixie sa labas ng bahay nila. Nagpiprisinta pa nga si tito Xien na ihatid ako pero tumanggi na lang ako, nahihiya narin kasi ako kay tito eh.

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Tinawagan ko si Kenneth. Gusto ko kasi syang kausapin about dun sa pag-alis ko. Nung ibababa ko na bigla naman nyang sinagot.

"Hello?" Sabi nya sa kabilang linya.

"Hihintayin kita sa park na lagi nating pinupuntahan" sabi ko sabay baba ng tawag.

Naglakad na ako hanggang sa marating ko yung park na lagi namin pinupuntahan. Masarap mag relax dito. Sandali lang akong naghintay bago sya dumating.

"Bakit?" Tanong nya.

"Natutulog ka na ba nung tinawagan kita?"

"Patulog na sana" sabi nya. Napakamot pa sya sa ulo nya.

"Upo ka" tinap ko yung tabi ko.

"Thanks" umupo sya sa tabi ko. "Nga pala bakit mo ako gustong makausap?" Tanong nya.

"May sasabihin ako"

"Sasagutin mo na ako?" Excited nyang tanong. Binatukan ko nga. "Aray!" Arte neto.

"Aalis na ako bukas" panimula ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya.

"Sa America dun na ako mag-aaral" sagot ko.

"Bukas flight mo?"

"Oo"

"Bukas din flight ko papuntang America"

"Bakit ka naman pupunta dun?"

"Para sundan ka?" Patanong nyang sabi.

"Seryoso kasi!"

"Ito naman ang seryoso mo kasi masyado" sabi nya sabay kurot sa pisngi ko.

"Aray!" Tinanggal nya na yung kamay nya sa pisngi ko. Ang sakit!

"Lika na hatid kita sa bahay nyo" sabi nya.

~~~~~~~~~

Nakauwi na ako sa bahay, kinakabahan ako kasi baka galit parin sakin si Daddy.

Bahala na nga! Dumiretso ako sa kwarto ko. Kumain muna kami ni Kenneth bago umuwi kaya busog pa ako. Pumasok ako ng banyo. Nagsipilyo at naligo lang ako tyaka ako lumabas ng banyo. Pinatuyo ko lang buhok ko bago ako natulog.

~~~~~~~~~~

~~~Knock~~~Knock~~~

"Pasok!" Sabi ko. Bumukas yung pintuan at nakita ko si Yaya Belen.

"Ma'am hinihintay na po kayo sa baba"

"Maliligo lang ako" sabi ko. Sinarado nya na yung pinto.

~~~~~~~~~~~

"Morning Mommy, Daddy" bati ko bago umupo. Pagbaba ko kasi kumakain na sila.

"Good morning nak" bati ni Mommy. Morning lang walang good. Ngumiti lang ako tyaka ako nagsimulang kumain.

Kung tinatanong nyo kung bakit hindi ako binati ni Daddy? Ganyan yan di nya ako binabati, kahit nga minsan hindi nya ako tinawag na anak. Tsk!

~~~~~

Dumaan muna kami sa bahay nila Trixie. Nagpaalam lang kami sa kanila pagkatapos nun umalis na agad kami baka daw malate kami sa flight namin.

Nakasakay na kami sa eroplano. Anong ginagawa ko? Nag eemo. Ang lungkot lungkot kasi wala si Trixie.

"Goodbye Philippines and hello America"

Bestfriends ForeverWhere stories live. Discover now