Umupo ako sa sofa na katapat lang niya. Sa gitna namin may table.
"Ano yung sasabihin mo?" Malamig kong sabi
"Buti nakarating ka" nakangiti niyang sabi. Hindi ako nagsalita.
Naramdaman kong parang nanahimik siya, kaya naman napatingin ako sa kaniya. Nakita kong nakayuko siya.
"Ac, sorry" sabi niya. Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Para saan?" tanong ko. Napatingin siya sa akin, nakita kong umiiyak siya kaya mas lalo akong nagtaka. Umayos ako ng pagkakasandal ko tyaka ako tumingin ng maayos sa kaniya.
"Sa lahat" sabi niya. Siguro napansin niya na nagtaka ako kaya nagsalita ulit siya. "Sorry sa lahat ng nagawa ko, i mean namin ni kuya Kenneth."
"Kuya Kenneth?" nagtataka kong tanong
"Oo, magkapatid kami at alam kong hindi mo yun alam. Ang alam mo lang may kapatid siya na nasa ibang bansa. Ako yun. Ako yung kapatid niya. Nung una mo akong nakilala dun nagsimula ang plano"
"Plano?"
"Plano namin ni kuya Ken para maging maayos ang lahat."
"Hindi ko maintindihan"
~~~Flashback~~~
Caitlyn's PoV
~~~America~~~ ~~~5:00 am~~~
~~~KeLyn's Bar~~~
"Uhm... Ma'am Caitlyn kami na po ang bahalang mag ayos dito." Sabi sa akin ni Mark. Habang kinukuha niya yung mga bitbit kong baso. Isa siya sa mga nagtatrabaho dito. Lahat ng mga staffs dito ay taga Pilipinas. Mas pinili kasi nila na dito magtrabaho sa America. Yung iba no choice na lang dahil na scam sila at gusto nilang makatulong sa mga pamilya nila.
"Hindi, ok lang ako Mark." Nginitian ko pa siya tyaka ko pinagpatuloy yung ginagawa ko.
"E, ma'am Caitlyn. Simula po nang magbukas itong bar kagabi, hindi pa po kayo umuuwi." Pangungulit pa ni Mark.
"Oo nga po ma'am Caitlyn." Sabat naman ni Katherine na nag-aayos na ng mga lamesa. Boyfriend niya si Mark.
"Umuwi na po kayo ma'am Caitlyn baka po hinahanap na po kayo sa inyo." Sabat din ni Angelo.
"Hay nako! Ang kukulit niyo talaga! Sige na nga, uuwi na ko." Sabi ko.
"Ma'am nasa taas pa po yung mga kaibigan niyo. Wala po yatang balak umuwi." Napakamot pa sa ulo si Katherine.
"Mark and Angelo samahan niyo ko sa taas." Sabi ko sa kanila bago ako umakyat sa VIP room.
Binuksan ko agad yung pinto. Pagbukas ko ng pinto na pa buntong hininga na lang ako sa nadatnan ko. Si Mich at Rachelle nakahiga sa sofa magkabaliktad sila ng pwesto at yung paa nila nakapatong sa sandalan ng sofa. Habang si Anne at Nicole nakahiga sa sahig. Mukhang tulog na tulog na sila sa sobrang kalasingan.
Napalingon ako sa banyo ng bigla iyong bumukas at nakita ko si Micole. Magkambal si Nicole at Micole.
"Andyan ka pala Lyn." Sabi niya tyaka siya umupo sa single sofa.
"Ay hindi, picture ko lang toh" sarcastic na sabi ko.
Inirapan niya lang ako tyaka siya napalingon sa likod ko. "Sino yang kasama mo?" tanong nito.
"Si Mark at Angelo" sagot ko bago ako nagsimulang magligpit ng kalat nila.
Nakita kong napatango lang siya tyaka siya tumayo para gisingin si Nicole.
"Bal" tapik ni Micole sa kakambal niya.
"Hmm?" sagot ni Nicole.
"Tara na uuwi na tayo." tinatapik parin ni Micole yung kakambal niya
"Bal, ayoko pang umuwi" sabi ni Nicole tyaka siya nagpagulong gulong sa sahig.
Napatingin ako sa kanila. "Bakit naman?" Takang tanong ko.
"E, kasi andun sila Mommy at Daddy." sagot ni Nicole.
"Pero Nic's bawal ka ditong matulog." parang naiinis na si Micole sa kakambal niya.
"E, ayoko ngang umuwi." Parang nagmamakaawang sabi ni Nicole tyaka ulit siya nagpagulong gulong sa sahig.
"Aish! Sige na! Dun ka na lang matulog sa apartment ko." inis na sabi ni Micole kay Nicole. Napangiti ako ng may maalala ako sa kanilang dalawa. Ganyan din kasi kami ni Kuya Ken dati. I miss him so much.
"Dun na lang din ako." biglang sabat nung tatlo.
Nagulat ako kasi akala ko tulog sila yun pala nagtutulog tulugan lang.
"Oo na sige na!" Napipilitang sabi ni Micole.
"Yehey!" Sigaw nilang lahat pwera lang sa akin, Mic's, Angelo at Mark.
"Pero bago kayo magsiuwi, linisin niyo ang kalat niyo." sabi ko sa kanila dahilan para matigilan silang lahat.
"Bakit kami?" tanong nila.
"Sino bang nagkalat?" nakataas yung kilay ko ng tanungin ko sila.
"Kami?" patanong na sabi nila
"Exactly!" nakangiti kong sabi. "O siya, ayusin niyo na yan at kapag hindi ikukulong namin kayo dito sa Bar." nakangiti ko paring sabi sa kanila.
Padabog silang kumilos kaya napatingin ako sa kanila.
"Nagdadabog ba kayo?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanila.
"Hindi ah!" sabay sabay na sabi nila sa akin.
"Ok!" sabi ko pa sa kanila tyaka ko pinuntahan yung dalawang lalaki na nasa tabi lang ng pintuan. "Tara na sa baba!" aya ko sa kanila tyaka ako naunang bumaba.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Bakit ngayon ka lang?" Napatigil ako sa pag-akyat ko sa taas ng marinig ko ang boses ni Daddy.
Tumingin ako sa kaniya at kita ko sa mata niya yung magkahalong galit at pagkadismaya. Napatingin ako sa likod niya at nakita ko si Mommy na nakahawak sa braso ni Daddy. Nakita ko sa mukha ni Mommy yung pag-aalala niya. Bumaba ako ng hagdan para makapag-usap kami ng maayos ni Daddy. Pumwesto ako sa harap mismo ni Daddy, walang emosyon ko siyang tinignan. Nakita ko ang bahagyang pagkuyom ng kamao ni Daddy, na parang ano mang oras ay kaya niya akong saktan.
"Saan ako galing? Bakit? Wala ka namang pakialam sa akin hindi ba?" sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Kanino ka natutong sumagot ng ganiyan!?" Naiinis na tanong niya sa akin.
"O, bakit ka naiinis? Tama naman ako Hindi ba!?" Tumalikod na ako at tyaka nagsimulang umakyat papunta sa kwarto ko. Nang makailang hakbang ako sa hagdan ay tumigil ako. "Tinatanong mo kung kanino ako natutong sumagot? Tsk! Bakit Hindi mo itanong sa sarili mo tutal matalino ka naman diba!?" Dagdag ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Habang ginagawa ko yung mga assignments ko biglang may kumatok sa pintuan.
"Come in!" Sabi ko ng Hindi nililingon kung sino yun. Narinig ko ang pag bukas at Sara ng pinto Pero nagtataka ako bakit Parang Hindi nagsasalita yung taong pumasok. Tumingin ako sa likod ko at nanlaki ang mata ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki.
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
RandomBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
