Trixie's PoV
Pagkalabas ko ng library. Umiiyak parin ako. Tumakbo ako palabas ng school. Wala na akong pake sa mga taong nakatingin sa akin.
"Hala! Hindi ba si Trixie yan?" Girl 1
"Oo nga noh" girl 2
"Bakit kaya sya tumatakbo?" Girl 1
"Tyaka bakit parang umiiyak sya?" Girl 2
"Ngayon ko lang sya nakitang umiyak kasi diba hindi naman sya umiiyak kapag binubully sya" girl 1
Wala akong pake sa sinasabi nila. Ang gusto ko lang ngayon, mapag-isa.
"Girl, papunta sya sa highway" girl 3
"Hala oo nga!" Girl 4
~~~Beep~~~Beep~~~
Napatingin ako sa bumusina, nasilaw ako sa ilaw. Pagabi na rin kasi kaya medyo madilim na. Nahihirapan na akong huminga. Kanina pa toh simula nung sinisigawan ko si Ac.
Hindi ko na kaya. Kaya bumagsak na ako. And then, the next thing i knew...
Everything's went black.
Nico's PoV
Hi! Nico's here. Papunta ako sa school nila Ac. Pagdating ko dun may dalawang babae na lumapit sa akin.
"Kuya, tulungan mo naman po si Trixie" girl 1
"Oo nga po kuya" girl 2
"Huh!? Si Trixie Liane Lim?" Tanong ko. Baka kasi ibang Trixie yun eh.
"Opo. Ayun po sya oh" sabi nung isang babae. Tinuro nya yung sa may highway. Sh*t! Si Trixie nga. Kailangan ko syang puntahan.
Hindi ko na kinausap yung dalawang babae, tumakbo na agad ako dun sa highway. Malapit na ako nung biglang bumusina yung sasakyan na dadaan.
~~~Beep~~~Beep~~~
Tumingin sya sa sasakyan na bumusina. Nagtakip sya ng mata nya. And then, humawak sya sa dibdib nya. Mukhang nahihirapan syang huminga. Dinalian ko na yung takbo ko para maabutan ko sya. Hanggang sa malapit na yung sasakyan. Tinulak ko si Trixie, nakita ko pa kung paano sya bumagsak sa sahig. Bago ako nabangga ng sasakyan.
Ac's PoV
Nagising ako dahil nag vibrate yung phone ko. Hindi ko na tinignan kung sino yun.
"Hello?" Sagot ko.
"Papunta na ako sa school nyo, hintayin mo ako sa may gate" sabi nya. Tinignan ko yung call.
Si Nico pala.
"Ok" sabi ko tyaka ko binaba yung tawag.
~~~~~~~~~~
Kanina ko pa hinihintay si Nico dito sa gate. Paglabas ko nga ng school may nakita na akong ambulansya dun sa may highway parang merong aksidenteng nangyari kasi may mga police din eh. Asan na kaya si Nico? Ang tagal nya eh. Si Nico ay pinsan ko. Matawagan nga.
Naka ilang ring na pero wala paring sumasagot. Baka nagdadrive pa sya.
Maya maya may tumawag sa akin.
~~~Calling Nico~~~
"Hello?" Sagot ko.
"Ma'am emergency po pumunta na lang po kayo dito sa ospital" sabi sa kabilang linya. Nanlamig ako.
"S-saang ospital?" Utal kong tanong.
"Malapit po sa Citi's University" sagot nya. Iisa lang ang alam kong malapit na ospital dito sa Citi's University. Lim's Hospital.
Kahit nanginginig ako nagdrive parin ako papunta sa Lim's Hospital. Alam ko yun kasi ospital yun nila Trixie.
Pagdating ko dun may nakita akong car ambulance. Teka! TNA 367? Yan yung plate number nung ambulance kanina malapit sa school. Hindi kaya... Hindi! Hindi pwede! Kailangan kong makita si Nico!
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
RandomBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
