Ac's PoV
"Nung una hindi ako pumayag sa plano niya dahil alam kong masasaktan ka..." She paused. "Pero yun lang yung naisip niyang way kaya pumayag narin ako."
"Sorry" I said tyaka tumungo. Hinawakan niya yung kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"You don't have to say sorry because in the first place kami na ni kuya ang nagkamali." Sabi niya habang nakangiti. Kasabay ng pag ngiti ko at ang pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Napayuko na lang ako.
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan tyaka siya lumapit sakin. Isinandal niya ang ulo ko sa tyan niya.
"Wag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyari noon." Sabi niya na lalong nakapagpaiyak sakin.
Pagkalipas ng ilang oras tumigil na ako sa kakaiyak. Siya naman at umupo na sa kanina niyang kinauupuan.
~~~Kring~~~Kring~~~
Napatingin ako sa cellphone ni Cai na nakapatong sa lamesa.
~~~Calling Kuya~~~
"Ate C~" tawag sa akin ni Cai kaya napatingin ako sa kanya. "I need to answer this." Agad akong tumango. Sinagot niya ang tawag pero Hindi siya umalis sa pwesto niya.
"Ano ba Cai! Kanina pa ako alalang-alala sayo! Asan ka ba!? Gabing-gabi na Hindi ka pa umuuwi! Ano!? Asan ka!?" Natawa na lang kami ni Cai sa mga sinabi ng kapatid niya.
"Kuya, kalma~" natatawang sabi ni Cai.
"Paano ako kakalma kung wala ka pa dito sa bahay ng ganitong oras!? Ha!?"
"Andito lang naman ako sa Café ni ate C"
Natahimik ang kabilang linya.
"Hello? Kuya? Andyan ka pa ba?"
"H-ha? A-ah oo! Teka, ano bang ginagawa mo jan?"
"Ano bang ginagawa kapag nasa café?" Taas kilay na tanong ni Cai.
"Ewan ko sayo! Basta umuwi ka na! Ngayon na!"
~~~End Call~~~
Napasimangot si Cai sa inasal ng kapatid niya.
"Ate C~ kailangan ko ng umuwi nakakainis naman kasi so Kuya eh. Hindi tuloy tayo makakapagkwentuhan." Nakasimangot na sabi ni Cai.
"Ayos lang yan. May next time pa naman." Sabi ko sa kanya bago tumayo. "Teka, may dala ka bang sasakyan?" Tanong ko sa kanya.
"Wala nga eh. Nag taxi lang ako papunta dito."
"Ihahatid na lang kita sa inyo" sabi ko
Napatingin naman agad siya sakin. "Ate. Wag na. Kaya ko namang mag taxi." Nakangiti niyang sabi sakin.
"Cai~" sabi ko.
"P-pero---" pinutol ko ang sasabihin niya.
"Sa ayaw at sa gusto mo, ihahatid kita." Sabi ko tyaka lumabas ng VIP room.
~~~~~~~~~
Andito na kami sa tapat ng bahay nila Cai. Nakalabas na ng sasakyan si Cai.
"Thanks for the ride, ate C~" nakangiting sabi ni Cai.
"Always welcome!" Nakangiti ko ring sabi.
"Um... Ate C. Can i hug you?"
"Sure!" Lumabas ako ng kotse. Niyakap niya ko ng sobrang higpit. Natawa ako dahil dun.
Bumitaw siya sa pagkakayakap. "Goodnight ate~"
"Goodnight. Pasok ka na sa loob baka magalit pa kuya mo."
"Sige ate~"
Nang makapasok siya sa bahay nila tyaka ako pumasok sa kotse tyaka ko pinaandar.
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
RandomBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
