Hi guys!! At dahil naka 1k reads na tayo, eto ang special chapter para sa inyo! Enjoy reading guys!
-----
Trixie's Point of View
"Guys! Let's take a picture!" Sigaw ko sa kanila. Nagsilapit naman sila. Andito kami ngayon sa private resort nila Cai. At andito kami sa dalampasigan.
"Teka, sino magpipicture?" Tanong ni kuya Nico.
"Ako na!" Taas kamay na sabi ni Caitlyn.
"Nope Cai. Kailangan kasama ka dito." Sabi ko. Naghanap naman ako ng pwedeng magpicture samin. Nakita ko naman si kuya Rob na nakatingin samin di kalayuan. Agad ko itong pinuntahan.
"Hoy Trix! Saan ka pupunta?" Sigaw ni kuya Nico. Nagsign lang ako na wait lang.
"Kuya Rob, pwede po ba kami papicture saglit?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita ngunit inilahad niya ang kanyang kamay sign na ibigay ko na sa kanya yung gagamitin na pampicture. Pumunta na ulit kami sa dalampasigan at pumwesto. Itinuro ko kay kuya Rob kung pano kumuha ng litrato.
"Okay na guys, game na!" Excited kong sabi. Pumwesto kaming lahat at nagpicture. Pagkatapos namin magpicture picture pumunta na kami sa mga kwarto namin at nagpahinga.
Nang magising ako kinuha ko ang camera ko at tinanggal ang sd card tyaka ko sinalpak sa kakabukas kong loptop. Agad kong tinignan yung pinapicturan namin kanina kay kuya Rob. Ginawa ko itong desktop wallpaper. Hindi ko napansin na na-exit ko yung mga tinitignan kong picture. Pipindutin ko na sana yung mga pictures na na exit ko ng may napansin ako.
"Teka, sino to?" Tanong ko sa sarili.
Sa bandang kanan ng picture namin may isang matandang babae na nakatayo. Agad nagtaasan ang balahibo ko sa Nakita. Tinignan ko ang ibang picture. Lahat ng picture nandon siya. As in lahat. Kung hindi sa pinakamalayo siya nakukuha, nasa malapit at nakatingin sa camera. Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa Nakita ko.
"Trix..." Nagulat ako ng may kumalabit sakin. "O, bakit ka namumutla?" Tanong ni Cai.
"H-Ha? Ah, e ano.. W-Wala. Kagigising ko lang kasi." Sabi ko.
"Kagigising daw. Ano ba kasing tinitignan mo dyan sa loptop mo at hindi ka makausap kanina pa." Sabay tingin niya sa loptop ko. Nakita ko ang pamumutla ni Cai ng Makita ito kaya agad kong sinara ang loptop ko.
"Cai, mauuna na ako ah. Pupuntahan ko pa kasi si Kuya mo e." Agad agad akong lumabas pagkasabi ko non. Pinuntahan ko si Kenneth at agad ipinakita ang Nakita ko sa picture.
"Kilala mo ba siya? Im sure kilala mo siya dahil sa inyo tong resort na to." Sabi ko. Namutla si Kenneth ng Makita ang tinutukoy ko.
"Bakit nandito siya?"
"Sino ba siya?" Tanong ko.
"Siya si Mama Delia." Sagot ni Kenneth.
"Teka. mama mo? But..."
"Anak! Yung kapatid mo sinugod sa hospital!" Sigaw ng mama ni Kenneth. Agad kaming lumabas.
"Ma, bakit? Anong nangyari kay Cai?" Tanong ni Kenneth. Iyak lang ng iyak si tita.
"Hindi ko alam! Basta nung pumasok ako sa kwarto nila ni Trixie Nakita ko na lang siyang nakahiga sa sahig at walang malay." Paliwanag ni tita. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng dahil sa narinig ko.
"Sir Kenneth, si Sir Nico po natamaan ng bala. Hindi po namin alam kung saan galing." Sabi naman ng kadarating lang na si Kuya Rob.
"Sir Kenneth, si Sir Nathan po pinagsasaksak."
"Sir yung asawa mo po nakabigti doon sa may puno."
"Ikaw na ang isusunod ko!" Bulong mula sa aking likuran.
"Huy gising! Trixie!"
"Huwag!" Napabangon ako ng dahil sa panaginip ko.
"Trix, nananaginip ka lang." Pagpapakalma sa akin ni Cai.
"Cai, paki abot naman ako ng camera ko pati ng loptop." Agad niyang inabot sa akin ito. "O tubig."
"Salamat." Agad kong kinuha yung sd card ng camera at agad na sinalpak sa loptop. Tinignan ko yung picture naming lahat. Nabitawan ko ang iniinom kong tubig ng Makita ko ang isang matandang babae sa kanan ng picture namin. Tinignan ko lahat ng picture namin at lahat yon katulad ng nasa panaginip ko. Lahat yon may mukha ng isang matandang babae.
-----
Hope you like it guys! Happy 1k reads!!
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
De TodoBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
