~~~4 years later~~~
Trixie's PoV
2 years ago ng hindi nagpaparamdam si Ac sa akin. Umaasa parin ako na magkikita pa kami.
2 years ago since naging cold sya sa akin. Hindi nya na ako nirereplyan sa mga messages ko, hindi narin nya sinasagot yung mga tawag ko. Nakakapagod rin palang umasa, kung umasa ka sa wala.
~~~Knock~~~Knock~~~
"Pasok!" Sabi ko
"Nak, ready ka na ba bukas?" Tanong ni Mommy.
"Since nung hindi na nagpaparamdam sa akin si Ac nawalan narin ako ng gana sa buhay." Sabi ko
"Bakit naman?"
"Mommy, sya lang ang nag-iisa kong tunay na kaibigan, wala ng mas hihigit pa sa pagkakaibigan namin"
"Ganun, paano naman kami ni Daddy mo?"
"Mommy, except kayo dun noh!"
"Joke lang! Alam ko naman na love na love mo kami ni Daddy mo eh"
"Ay nako Mommy! Matulog ka na nga!" Pagpapaalis ko kay Mommy. Natawa si Mommy bago sya umalis sa kwarto ko.
~~~Next day~~~
First year collage na ako, since pangarap namin maging doctor ni Ac yun ang kinuha kong course.
Andito ako sa hallway ng building namin. Kinukuha ko nga yung phone ko sa bag ko kaya hindi ko nakita yung mga nadadaanan ko. Hanggang sa may nabangga ako. Natapunan ako ng hawak nyang juice pero mas maraming natapon sa kanya.
"OMG!" Tili nya.
"Sorry miss! Sorry! Sorry talaga!" Kumuha ako ng panyo sa bag ko tyaka ko pinunasan yung damit nya. Hindi ko pa napupunasan ng matagal yung damit nya tinapik nya na yung kamay ko.
"Don't touch my dress" pamilyar yung boses nya eh. Wait! Tumingin ako sa mata nya. Kilala ko yung mata ni Ac. Sya nga toh!
"Ac!?" Bakit sya nandito? Anong ginagawa nya dito? Akala ko ba sa America na sya titira?
"Sa susunod na madumihan mo ang gamit ko, parte na ng katawan mo ang lilinis sa gamit ko." Sabi nya tyaka sya umalis.
"Liane!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Lovely pala. Nang makalapit sya sa akin. "Ayos ka lang ba? Tara sa cr magpalit ka na muna" sabi nya.
Ac's PoV
Gosh! Sa damiraming tao dito sa school sya pa ang nakabangga ko?
"Girl!" Tumingin ako kay Agatha. Lumapit sya sa akin. "Hala girl! Anong nangyari sa dress mo? Balita ko meron kang nakasagutan kanina ah!" Ang chismosa talaga nito.
"Saan mo naman nasagap yung balita na yan?"
"Sa tabi tabi"
"Tsk!"
"Magpalit ka nga muna!"
"Ano bang gagawin ko dito diba magpapalit? Tss, di nag-iisip eh!" Sabi ko tyaka ako pumasok sa isang cubicle.
"Girl, sino ba yung nakasagutan mo kanina?" Kailangan ba tanungin pa yan?
"My past bestfriend"
"Huh!? Si Trixie ba?" Sige pa, banggitin mo.
"Sa kasamaang palad sya nga"
"Sa kasamaang palad talaga?"
"Ewan ko sayo!" Pagkasabi ko nun lumabas na ako ng cubicle dumiresto ako palabas. Bahala na sya dun.
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
De TodoBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
