Nagbihis ako tyaka ako bumaba. Pagbaba ko nakita kong bukas yung ilaw sa kusina.
"Pinatay ko yun kanina ah" bulong ko sa sarili.
Pumunta ako sa kusina. Pagdating ko dun nakita ko si Kuya na umiinom ng tubig.
"Kuya!" Tawag ko sa kanya. Napabuga naman siya ng tubig. Kaya ayun ending tumawa ako kasi ang epic ng mukha nya.
"Sige tawa pa!" Ang sama ng tingin ni kuya sa akin.
"E, kasi pfft... Y-yung mukha mo kanina pfft... Ang epic! Bwahahaha!" Natatawa kong sabi. Natawa na lang din siya.
Maya maya naisip kong aalis pala ako kaya tumigil ako sa pagtawa ganun din siya.
"Kuya aalis lang ako saglit ah" sabi ko
"At saan ka pupunta?" Nakataas yung kilay niya habang tinatanong ako.
"Sa Café" sabi ko
"Anong gagawin mo dun? Tyaka isa pa, masyado ng gabi" sabi ni kuya na nakakunot ang noo.
"Saglit lang ako dun! Please~" nagpout pa ako para payagan niya ako.
"Sino ba kasi ang pupuntahan mo?"
Napabuntong hininga ako sa tanong niya. "Si Caitlyn" maikling sagot ko. Nakita kong ngumiti siya ng bahagya. Lumapit siya sa akin.
"Ito ang tatandaan mo. Your eyes are useless, when your mind is blind." Sabi ni kuya tyaka niya ako hinalikan sa noo. "Umuwi ka ng maaga" dagdag pa niya.
"Ok! Bye bye kuya!" Kiniss ko siya sa pisngi at tyaka ako nagwave tapos umalis na ako.
Nilakad ko lang hanggang dito sa café tutal malapit lang naman eh. Pagdating ko sa café binati ako nung guard tyaka ng mga staffs.
"Good evening ma'am" nakangiting bati sa kin ni Rey isa sa staff ko.
"Good evening din!" Bati ko pabalik.
"Ma'am pinapasabi po ni Lovely na umakyat ka daw po sa VIP room 2" sabi niya.
"Ah o sige. Salamat!" Sabi ko
"Sige ma'am balik na po ako sa trabaho" paalam ni Rey. Nginitian ko lang ito tyaka tumango.
Umakyat na ako sa VIP room 2. Pag-akyat ko nakita ko sila Lovely at Caitlyn na nakaupo. Huminga muna ako ng malalim tyaka ako pumasok. Napatingin naman sila sa akin. Si Lovely, tumayo bigla.
"Sige na, babalik na ako sa baba." Paalam ni Lovely tumango na lang ako bilang tugon.
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
AcakBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...