BFF 9: Surprise

108 2 0
                                    

~~~3 years later~~~

Ilang taon narin pala simula nung nagpunta ako sa ospital nila Trixie.

Ilang taon narin simula nung nangyari yung aksidenteng yun.

Ilang taon narin nung iniwan nila ako.

Ilang taon na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Ilang taon na nung naging mag-isa na lang ako sa buhay. Oo, andyan si kuya Nathan pero hindi ko sya maramdaman dahil palagi akong lutang.

Mahirap ang mag-isa. Lalo na kung yung kaisa-isang taong pinahalagahan ko bigla na lang nawala ng parang bula.

Namimiss ko na sila. Kamusta na kaya sila? Ok lang kaya sila?

"Ac!" Sigaw ni Agatha pinsan ko. Napatingin ako sa kanya. Kasama nya si Lovely pinsan ni Trixie. Kumaway sila sa akin. Ngumiti lang ako.

Simula nung mawala si Trixie naging kaibigan ko na si Lovely.

Nandito ako sa park na lagi namin pinupuntahan ni Trixie dati. Nakaupo sa tambayan namin sa ilalim ng puno. Lumapit sa akin si Agatha tyaka si Lovely.

"Bakit?" Tanong ko.

"Punta tayo sa bahay mo" yaya sa akin ni Agatha. Nagtaka naman ako. Anong gagawin nila sa bahay ko?

"Anong gagawin natin dun?" Takang tanong ko.

"Dali na" hinila nila akong dalawa patayo kaya wala na akong nagawa.

~~~~~~~~~~~~~

Nakarating kami sa gate ng bahay namin. Hingal na hingal kami. Pano ba naman tumakbo kami. Sa park hanggang dito sa bahay namin. Ang layo kaya ng park dito sa bahay namin.

"Tara na!" Sigaw nila Agatha at Lovely. Natawa na lang ako sa kanila.

Nandito kami sa tapat ng pinto. Pinagmasdan ko yung bahay. Nakalimutan ko pala buksan yung ilaw kanina bago ako umalis kaya madilim. Mga 8:00 pm narin kasi. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako kasi biglang may sumigaw.

"Surprise!"

A-ano toh? Teka! May familiar na mukha akong nakita, hindi lang isa kundi marami. A-akala ko ba nasa America sila? Bakit sila nandito?

Lumapit sa akin si Trixie. Oo, si Trixie. Nakangiti sya sa akin kaya nginitian ko rin sya. Kinuha nya yung cake na hawak ni Lovely.

"Happy birthday Bess" nakangiting sabi nya. Hindi ko napigilan yung luha ko kaya napaluha na lang ako.

Birthday ko na pala ngayon, hindi ko man lang naalala.

"T-trixie?"

"Mamaya ka na umiyak! Iblow mo muna itong candle mo" natatawang sabi ni Trixie. Natawa narin ako. Binlow ko lang yung candle. Binigay ni Trixie kay Lovely yung cake. "Nasurprise ka ba?" Tinataas baba nya pa yung kilay nya. Baliw talaga. Hindi ko na kinaya kaya yumakap na agad ako sa kanya. "3 years mo lang akong hindi nakita namiss mo agad ako?" Natatawang sabi nya. Kumalas ako sa pagkakayakap namin tyaka ko sya binatukan.

"Sira ka pala eh! Nila lang mo lang yung 3 years? Grabe ka! Ang hirap kayang mag-isa! Kahit may kasama ako dito sa bahay." Sabi ko sa kanya habang pinupunasan yung luha ko. Nahimasmasan narin ako.

"Ehem!" Biglang may tumikhim. Si Nico pala i mean kuya Nic. "Baka makalimutan nyong andito rin kami" sabi nya. Natawa na lang kami sa sinabi nya.

"Ang emo mo kuya Nic!" Sabi ko, halatang nagulat sya. Ever since hindi ko sya tinatawag ng kuya. Ngayon lang.

"Teka nga! Baka naman ibang Ac yung nasa harap natin" sabi ni kuya Nic.

"Bakit naman kuya Nic?" Tanong ni Trixie.

"E, magalang toh! Ang Ac na kilala ko hindi magalang" sabi nya habang natatawa pa. Aba't talagang.

"Ang o.a mo kuya Nic, hindi ba pwedeng nagbago na yung tao?" Natatawang sabi ko.

"Isang Ac magbabago?"

"Ang dami mong alam! Payakap nga!" Sabi ko sa kanya. Hindi naman sya umangal. Paglapit nya agad ko syang niyakap. Namiss ko tong lokong toh!

"Guys, pwede bang mamaya na kayo magyakapan? Kain muna tayo pwede?" Sabi ni Lovely. Natawa kami sa sinabi nya, si Agatha naman binatukan sya.

"Sige na, sige na. Kumain na kayo sa sala" sabi ni Trixie. Pumunta na sila kasama si kuya Nic kaya dalawa na lang kami ni Trixie na naiwan. Humarap sya sa akin ng nakangiti, kaya humarap din ako sa kanya ng nakangiti. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong nya. Tumango naman ako, pumunta kami sa likod ng bahay.

Bestfriends ForeverWhere stories live. Discover now