"Um... Tita, bakit nga po pala kayo naparito?" Tanong ko. Nacucurious na kasi ako eh. Nagpunas siya ng labi bago sumagot.
"Actually, were here to visit you and your brother. And because we invite you to our house." Tita Trisha said.
"Why, tita?" Tanong ko
"May paparty kasi kami for Trixie dahil sa paggaling niya." sagot ni tita
Napatingin ako kay Trixie na nakatingin pala sakin at ang lola mo nakangiti pa.
"Bakit hindi mo sinabi sakin kanina?" Tanong ko
"Hindi ka naman nagtanong eh." Ngumiti siya ng nakakaloko bago pinagpatuloy ang pagkain niya. Bruha talaga to.
"What time po ba, tita?" Tanong ni kuya
"Mamaya na yun, 6pm." Sagot ni tita
Nagsimula na silang magkwentuhan about business kaya hindi na ako nakinig. May sarili na kaming kumpanya. Ipinundar namin ng magkasama. Syempre nung una ang hirap dahil ang daming dapat asikasuhin but nung tumagal namanage na namin ng maayos. Si kuya ang madalas na nasa office while me madalas nasa coffee shop. Magaling si kuya magmanage kaya kapag nagkakaproblema ang kumpanya madali niyang naaayos. Ang kumpanya nila Trixie at kumpanya namin ay magkapartner.
~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagkatapos namin kumain ng umagahan umalis narin agad sila tito at tita while Trixie nandito parin sa Bahay kasama ko. Nanonood kami ng movie sa tv habang nakadapa sa kama ko.
"Hay sa wakas! Natapos rin." Sabi niya sabay tayo sa kama at nag-unat. Nag-unat din ako gaya niya. Pagkatapos kong mag-unat tinignan ko yung wall clock para icheck kung anong oras na.
*11:30am*
"Tara sa baba. Baka nagluluto na si kuya ng tanghalian." Aya ko sa kanya tyaka naunang lumabas ng kwarto.
Nandito pa lang kami sa hagdan naamoy ko na yung niluluto ni kuya.
"Anong niluluto ng kuya mo?" Tanong ni Trixie.
"I think sinigang na baboy." Sagot ko.
*Ding*Dong*
Napatingin ako kay Trixie dahil sa biglaang nagdoorbell.
"What?" Tanong niya. Napailing na lang ako bago bumaba.
"Mauna ka na sa kusina." Sabi ko. Tumango naman siya.
Pumunta ako sa main gate para tignan kung sino yun. Pagbukas ko nagulat ako sa bumungad sakin.
"What are you two doing here?" Tanong ko.
"Anak. Mag-usap tayo." Sabi nung Mama ko. Yung totoong mama ko. Kasama niya si Papa.
"Pwede ba. Tama na! Lubayan niyo na kami!" Sabi ko tyaka ko sila pinagsarhan ng pinto. Tumalikod na ako tyaka akmang maglalakad na papasok ng Bahay ng magtanong si kuya na kakalabas lang ng Bahay.
"Ac, sino yung nagdoorbell?" Tanong ni kuya
"Magulang mo." Nagulat siya sa sinagot ko. What?
"Bakit hindi mo pinapasok?" Tanong niya. Agad siyang pumunta sa gate at binuksan. Sinundan ko siya ng tingin. Ano naman kung hindi ko sila papasukin?
"Bakit ko naman sila papapasukin?" Nagtatakang tanong ko
"Ac, parents parin natin sila." Sagot niya. Yah, I know. Kakampihan parin niya yung mga yun.
"Bahala ka." Sabi ko bago pumasok sa loob. Nakakainis.
Pumunta ako sa sala. Nadatnan kong nag-aayos na si Trixie ng plato.
"Oh, Ac. Sino yung nagdoorbell?" Tanong niya.
"Magulang ni kuya." Bored kong sagot. Natigilan siya sa sagot ko tyaka tumingin sakin.
"You mean, your parents?" Tsk. Kailangan talagang ipaalala? Kumuha na lang ako ng baso tyaka ko nilagyan ng juice at hindi na sinagot yung tanong niya. Aakyat na sana ako ng pigilan niya ako. "Kakain na tayo, saan ka pa pupunta?"
"Hindi ako gutom." Sagot ko tyaka tuluyang umakyat sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko humiga agad ako sa kama.
Naiinis ako. Nagagalit. At nasasaktan. Naiinis dahil sa pambabaliwala nila sakin ng halos ilang taon. Nagagalit ako sa sarili ko dahil ayaw tanggapin ng Sistema ko lahat ng nangyari past few years. At nasasaktan ako dahil hindi ko man lang naramdaman na nagkaroon ako ng pamilya.
Hindi ko namalayan na may luha ng kumawala sa mata ko. Hinayaan ko lang yung luha ko hanggang sa nagtuloy-tuloy na ito.
*Knock*Knock*
Agad kong pinunasan yung luha ko tyaka ko inayos ang sarili ko. Narinig kong bumukas ang pinto kaya napatingin ako dun. Si kuya pala yun.
"Ac, I know hindi ka pa kumakain. Eto, dinalhan kita ng pagkain." Sabi ni kuya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang malapag niya yung pagkain sa side table ng kama. Umupo siya sa tabi ko. "Ac, im sorry about dun sa nangyari kanina." Pagpapaumanhin ni kuya.
"Ayos lang yun, kuya. Alam ko naman na mas kilala mo sila kaysa sakin dahil simula pagkabata mo kasama mo na sila." I smiled bitterly.
"Ano ka ba. Pwede naman tayong gumawa ng memories na magkakasama diba!?" He smiled, a warm smile.
"Mukhang hindi na mangyayari yun, kuya." Sabi ko tyaka nagtaas ng tingin para hindi bumagsak yung mga luhang kanina pa gusting kumawala. Gusto ko rin naman gumawa ng memories with them but not now. Hindi ko pa kaya.
"Mangyayari yun, C. Kung bibigyan mo sila ng space dyan sa puso mo."
"Kuya, hindi ko pa kaya." I said at hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. Niyakap niya ako.
"Kayanin mo." He said and comfort me.
Maya-maya lang tumigil na ako sa pag-iyak. Kumalas narin si kuya sa pagkakayakap namin.
"Ang drama mo talaga, Ac." Natawa kami sa sinabi niya.
"Ikaw nga din eh!" Pang-aasar ko sa kanya. Nakita ko kasing napaiyak narin siya kanina eh.
"Sus, nahawa lang ako sa kadramahan mo." Natatawa niyang sabi. "O, ano? Handa ka na bang patawarin sila?" Nakangiti niyang tanong. I nodded. "Sige, papaakyatin ko na lang sila Mom and Dad." Sabi niya sabay labas ng kwarto ko.
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
De TodoBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
