"Kuya?!" Gulat kong tanong.
"Did you miss me?" Nakangiti niyang tanong. Agad akong tumayo sa pagkakaupo at tyaka tumakbo papalapit sa kaniya para yakapin siya.
"Of course kuya!" Masaya kong sabi.
"I miss you too lil sis" sabi ni kuya tyaka niya ako yinakap pabalik.
Maya-maya lang kumalas na kami mula sa pagkakayakap.
"Kailan ka pa nakabalik kuya?" Tanong ko. Umupo kami sa pinakadulo ng kama ko.
"Mm... Actually kanina pa ako nandito sa America pero hindi ako dumiretso dito sa bahay." Paliwanag niya. Nagtaka ako kasi bakit hindi siya dito dumiretso. Tumingin ako sa kaniya.
"Bakit ka naman hindi dumiretso dito sa bahay? Tyaka saan ka nagstay? Tapos bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka dito?" Sunod sunod kong tanong. Nakita kong natawa siya bago niya guluhin yung buhok ko. Palagi siyang ganyan, ginugulo palagi ang buhok ko kaya nasanay na akong hindi mag-ayos ng buhok dahil guguluhin lang din naman niya.
Tumayo siya kaya sinundan ko siya ng tingin. Nakita ko kasi na parang problemado siya. Bubuksan na sana niya yung pinto pero nagsalita ako.
"Kuya are you alright? May problema ba?" Tanong ko
"Kung sasabihin ko bang ok ako maniniwala ka ba?" Nakatalikod siya sakin habang sinasabi niya yun.
"Of course not kuya! Im not stupid kaya. Kitang kita sa face mo oh!" Sabi ko
"Tss!" Pabagsak siyang humiga sa kama ko.
"Spill it kuya. Im willing to listen." I said in a serious tone.
"Tss. Kilala mo na talaga ako" He smiled bitterly and then he sat beside me. Huminga siya ng malalim bago siya magsalita. "Ayokong mawala si Ac" panimula niya.
"Bakit naman mawawala si ate C sayo?" Naguguluhang tanong ko.
"Ac is in danger and i need your help"
"Wait! Naguguluhan ako kuya."
"Ok"
Kenneth's PoV
~~~One day before going to America~~~
Pagkatapos kong ihatid si Ac sa bahay nila dumiretso muna ako sa mall para bumili ng pagkain para sa flight tomorrow. Pagkatapos kong bumili pumunta na ako sa parking lot. Binuksan ko yung sa backseat para ilagay yung mga binili ko. Bubuksan ko na dapat yung sa driver seat nang biglang may pumukpok ng matigas na bagay sa ulo ko. Bago ako mawalan ng malay nakita kong may van na itim ang tumigil sa tapat ng sasakyan ko.
~~~~~~~~~~~~~~
Nagising ako dahil sa malamig na tubig na binuhos sakin. Pag dilat ko nakita ko yung Daddy ni Ac na nakatayo malapit sa akin. Naramdaman ko na parang nakatali yung paa at kamay ko. Tinignan ko yung paa at kamay ko, hindi nga ako nagkakamali dahil nakatali nga yun.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa gusto kong layuan mo si Ac." Panimula nung Daddy ni Ac. Nagpalingon agad ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Hindi ko gagawin yan" matapang kong sabi. Lumapit siya sakin tyaka niya ako sinampal gamit yung likod ng palad niya kaya naman halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil sa sobrang lakas. Naramdaman ko pa yung dugo sa gilid ng labi ko.
"Kung hindi mo gagawin ang sinasabi ko, kayang kaya kong pabagsakin ang kumpanya at pamilya mo." sabi niya tyaka siya tumalikod para umalis. Kinausap niya pa yung isang tauhan niya bago lumabas.
Lumapit sa akin yung kinausap nung Daddy ni Ac tyaka niya ako hinampas ng baril dahilan para mawalan ako ng malay.
Caitlyn's PoV
"Ibig mong sabihin yung Daddy ni ate C yung nagbanta sayo?" Gulat na tanong ko. Tumango naman siya. "Kuya hindi mo kailangang palagpasin yung ginawa sayo nung Daddy ni ate C!"
"Calm down Cai. Mas gugustuhin kong mawala sakin si Ac kaysa mawala kayo nila Mom." Mahinahon niyang sabi.
"I know how much you love ate C." I said. "Now, tell me kuya anong plano mo?"
"Ok. So this is the plan." He said.
~~~End of flashback~~~
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
NezařaditelnéBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
