~~~Reality~~~
"Ah~ Tapos bumalik ka dito at pagbalik mo hindi mo sinabi na nandito ka na pala. Tapos nung hindi mo sinabi sa akin, nagkita tayo sa school. Tapos nung nabangga kita akala mo pinagbagsakan ng langit at lupa. Tapos binubully nila ako wala kang pake. Tapos one day nag-usap tayo at naaksidente kami. Tapos pinagkamalan nyo pa kaming patay." Natawa ako sa huling sinabi nya. Napagkamalan kasi namin nila tita Trisha, tito Xien, tita Nica at tito Cholo. Bakit? Hahaha! Ganito kasi yun.
~~~Flashback~~~
"Both of them is dead" malungkot na sabi nung Doctor. "Parehas nilang hindi kinaya yung operasyon." Dagdag pa nung Doctor. Si tita Trisha at tita Nica umiiyak na, kaya si tito Xien at tito Cholo todo kapit kay kina tita kasi matutumba na sa kakaiyak. Ako naman hindi narin maawat yung mga luha ko sa pagpatak.
"D-Doc, saan po ba sila makikita?" Nauutal na tanong ko. Kahit man lang bangkay ni Trixie at Nico ay makita ko kahit sa huling pagkakataon.
"Hija, nilipat na sila sa morgue. Dito lang din ang floor." Sabi nya. Naglakad na ako papuntang morgue.
Habang naglalakad ako patuloy paring umaagos yung luha ko. Inaalala lahat ng mga masasayang araw na kasama ko sya at mga araw na pilit ko syang iniiwasan. Hanggang sa matapat ako sa isang pintuan. Pintuan kung saan nakalagay ang bangkay ng taong importante sa buhay ko. Nanginginig kong binuksan yung pinto hanggang sa makita ko yung bangkay nya na natatakluban ng puting tela. Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko at hindi naman ako nabigo. Dahan dahan akong lumapit sa bangkay nya. Hindi ko na ginalaw yung puting tela na nakataklob sa katawan nya. Hindi ko kasi kayang makita sya sa ganyang kalagayan. Hinawakan ko yung kamay nya kahit malamig na yun. Kahit man lang sa huling sandali mahawakan ko sya.
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
RandomBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
