Nagsimula na akong mag-ayos ng pinagkainan namin ni Trixie. After nya kasing maligo kumain na kami.
*Knock*Knock*
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dun. Napakunot ako ng noo. Hindi naman pwedeng si Mom at Dad yan dahil nasa company sila. Yung company nila mismo, hindi yung samin ni Ac. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko.
"Trixie, nabanggit mo na ba kay Kenneth yung nangyari kay Ac?" Tanong ko kay Trixie na nakaupo sa tabi ng kama in Ac. Lumingon siya sakin ng nakakunot ang noo.
"Hindi pa. Bakit?"
"Buksan mo yung pinto." Utos ko saka pinagpatuloy ang pag-aayos ng pinagkainan namin.
Nakita kong tumayo siya tyaka binuksan ang pinto.
Trixie's PoV
Tumayo ako sa kinauupuan ko tyaka binuksan ang pinto. Pagbukas ko, tumambad sa harap ko ang isang pamilyar na mukha.
"Um... Sorry sir but who are you?" Takang tanong ko. Pamilyar siya sakin pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.
"Im here to Ac." Puno ng awtoridad ang kanyang boses.
"Pero sir ka---" natiklop ko ang bibig ko. Naaalala ko na! Siya yun! Hindi ako pwedeng magkamali! Siya yung taong yun!
"Trixie, sino ba yan?" Medyo pasigaw na sabi ni kuya Nathan. Dahil Kay kuya Nathan nabalik ako sa sarili ko.
"Sandali lang sir" Sabi ko sabay Sara ng pinto. Agad akong tumakbo Kay kuya Nathan.
"Kuya. Andyan yung tatay tatayan ni Ac!" Sabi ko. Napakunot siya ng noo.
"You mean yung taong nag-alaga Kay Ac?" Tanong niya.
"Daddy?"
Napatingin kami ni kuya Nathan sa taong nagsalita. Nagkatinginan kami ng nanlalaki ang mga mata. This time i see in his eyes is full of happiness. Kahit na tumatawa siya nung mga panahong nakacoma pa yung kapatid niya nakikita ko parin sa mata niya yung lungkot. Pero ngayon nakikita ko na yung totoong saya niya.
Ac's PoV
"Kuya. Andyan yung tatay tatayan ni Ac!"
Nagising ako dahil sa boses ni Trixie. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Tumama ang paningin ko sa ilaw kaya agad din akong napatakip ng mata.
"You mean yung taong nag-alaga Kay Ac?" Kuya Nathan asked confused. Napakunot ako ng noo dahil sa narinig.
"Daddy?" Napalakas ata ang boses ko dahil bigla silang napatingin sakin. Nanlaki bigla ang mga mata nila at nagkatinginan pa. Anyare? Abnormal tong dalawa! Hahaha!
"Ac!" Sabay na sigaw nila kaya halos mapatakip ako sa tenga ko. Magduet ba naman sila. Jusko!
"Tatawag lang ako ng nurse" paalam ni kuya.
Nang makalabas si Kuya, lumapit sa akin si Trixie. Umupo siya sa tabi ng kama ko.
"Sobrang saya ko ngayon bess." Nakangiti niyang sabi. Napangiti din ako. Ako din masaya dahil nakikita kong masaya na sila. Bigla siyang naluha kaya pinunasan ko ito.
"Don't" yan na lang ang nasabi ko. Hindi ko pa kasi kayang magsalita ng mahaba.
Maya-maya dumating na ang mga nurse. Pinalabas muna sila kuya at Trixie.
Trixie's PoV
Paglabas namin ng kwarto ni Ac, nakita namin ang lalaking nakaupo malapit sa kwarto ni Ac.
"Tatawagan ko lang sila Mom at Dad" Paalam ni kuya Nathan. Tumango ako.
Pagkaalis niya, umupo ako sa tabi ni Tito Bren. Siya ang tatay tatayan ni Ac.
"Kamusta na si Ac?" Tanong niya. Nakadiretso yung tingin niya sa pader. Kung titignan mo siya blangko ang mukha niya. Pero pagtinignan mo ang mga mata niya, duon mo makikita ang lungkot at pag-aalala.
"Kakagising lang po niya." Sagot ko.
Katahimikan ang namayani sa amin.
"Kasalanan ko ang lahat." Nagulat ako dahil sa sinabi niya.
"A-Ano---" naputol ang sasabihin ko ng biglang lumabas sila Mommy.
"Trixie, OK na siya." Nakangiting sabi ni mommy sakin.
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
RandomBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
