Ac's PoV
Naaalala ko na ang lahat. Mula sa kulitan namin ni kuya noong mga bata pa kami hanggang sa iwan ako ni Papa Kay kina Mommy at Daddy.
Pumasok sila kuya sa loob ng kwarto ko. Andito parin ako sa hospital. Kailangan ko pa daw magpahinga ng mahigit isang linggo dito. Lumapit sa akin si Trixie at kuya.
"Mabuti at maayos ka na." Nakangiting sabi ni kuya Nathan. Nginitian ko lang siya.
"Sobra kaming nag-alala sayo. Lalo na ang mga magulang mo." Sabi ni Trixie.
"A-asan ba sila?" Pinilit kong magsalita para lang maitanong iyon.
"Nasa America sila para asikasuhin yung mga naiwang trabaho nila. Pero babalik din agad sila, siguro after two to three days andito na sila." Sagot ni kuya. Napatango na lang ako.
"W-What about Daddy?" Natigilan sila sa tanong ko.
"He's outside kanina, kinamusta ka lang niya and then nagpaalam na siya. Sabi pa niya babalik daw siya. Wala naman siyang sinabi kung kailan siya babalik." Si Trixie ang sumagot sa tanong ko samantalang umupo naman si kuya sa sofa na nasa left side ko. Bumuntong hininga na lang ako sa sagot ni Trixie.
"Nagugutom ka ba?" Tanong ni Trixie. Tumango naman ako. Ang tagal ko kayang nakahiga dito. Sino bang hindi magugutom?
~~~~~~~~~~~~~~~
*2 days later*
*Knock*Knock*
Napatingin kami ni Trixie sa may pinto. Tumayo si Trixie saka binuksan ang pinto.
"O, Ma." Bati ni Trixie kay tita Trish pagkapasok. Lumapit si tita sakin.
"Kamusta ka?" Tanong niya habang nakangiti.
"Ok na po ako. Nakakapagsalita na po ako ng maayos at nakakalakad narin po." Sagot ko. Napangiti naman lalo si tita. Nakaupo na si Trixie sa sofa.
"Can i ask something?" Tanong ni tita at umupo sa upuan nakatabi lang ng kama ko. Tumango lang ako bilang sagot. "Yesterday, i mentioned to you about the chemical we found habang inooperahan ka, right?" I nodded. She sigh bago siya magsalita. "May itinurok ba sayo o ipinainom na gamot?" Tanong ni tita. Napaisip naman ako.
~~~Flashback~~~
*1 week after Papa sent me to Mommy and Daddy*
"Baby, kumain ka na." Sabi sa akin ni Mommy. Kanina niya pa ako pinipilit kumain pero ayoko. Wala akong gana. Ang gusto ko lang sunduin na ako ni Mama at Papa.
"Kailan po ba ako susunduin ni Mama at Papa dito?" I asked. Inilapag ni Mommy ang pagkain sa may lamesa malapit sa kama ko.
"Ac, baby. Ayaw mo na ba dito?" Mommy asked sadly. Agad akong umiling.
"Im happy po here because you're here po but im afraid of Daddy. And gusto ko na pong makasama sila Mama, Papa, Cai at Kuya Nathan." Sabi ko.
"Konting hintay lang baby makakasama mo narin sila." She smile at me kaya i do the same. "Pero ngayon dapat kumain ka muna." Dagdag niya.
*After a Month*
"Ayoko sabing kumain!" Nasigawan ko si Mommy at tinapon ang pagkain na hawak niya dahil pinipilit nanaman niya akong kumain. Ilang araw narin akong hindi kumakain. Miss na miss ko na sila Mama. Ayoko na dito. Iyak lang ako ng iyak pati si Mommy umiiyak narin. Nagwawala na ako dahil ayoko na talaga dito. Gusto ko ng umuwi.
Biglang may pumasok na isang doktor na lalaki at may kasama pang tatlong nurse na lalaki. Agad nilang pinatabi si Mommy sa gilid tyaka hinawakan ng tatlong nurse yung mga kamay at paa ko. May tinurok sa akin ang isang doktor dahilan para mawalan ako ng malay.
~~~End of flashback~~~
"Simula nun palagi na silang may tinuturok sakin gabi gabi. At after non unti unti naring nawawala yung mga alaala ko hanggang sa sila Mommy na lang ang naaalala ko." Kwento ko sa kanya. Napatango tango naman siya. Umalis si Trixie bago ko sinimulan ang kwento sabi niya bibili lang daw siya ng meryenda.
"Kailan ka tinigilang turukan non?" Tanong ni tita. Napaisip ulit ako.
"Nung umalis na ako sa puder nila." Sagot ko.
Alam kong ginawa lang nila yun para hindi na nila ako nakikitang nahihirapan. Now i realized hindi naman pala masama si Daddy. All this time tinitignan ko siya na parang isang masamang tao. He care for me. Bakit ba ngayon ko lang narealized yun? Daddy loves me like his daughter. Masyado akong natabunan ng takot at galit kaya Hindi ko maramdaman yung love and care ni Daddy para sakin.
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
RastgeleBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
