BFF 27: DB

54 0 0
                                        

~~~After 1 month~~~

Nandito kami ngayon sa birthday party ni Caitlyn. Nasa iisang table lang kami nila Mama, Papa, Daddy, kuya Nathan, Trixie, tita Trisha and tito Xien. Tumayo ako para pumunta sa comfort room ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Ate C" Napalingon ako sa taong tumawag sakin. It's Caitlyn. She's wearing a black fitted dress, above the knee. She looks pretty. I smile at her and she smile back. "Akala ko di ka na makakapunta." Natawa ako sa sinabi niya.

"Pwede ba yun? Alam mo naman na hindi kita matitiis diba?" Sabi ko. 

"Ac!" Sabay kaming napalingon ni Cai sa kuya niya, it's Kenneth. He's wearing a gray suit with black pants. Paglapit niya umakbay siya sakin. Agad ko naman siyang tinignan ng masama kaya napakamot na lang siya sa batok niya. Nagkapatawaran na kami kaya sobrang gaan sa pakiramdam.

"Cai, una na ako." Paalam ko sa kanila tyaka dumiretso sa comfort room.

~~~~~~~~~~

Medyo nabored na ako sa loob ng party kaya lumabas ako at pumunta dito sa garden nila Cai. Umupo ako sa upuan na bato at sumandal. Nahagip ng mata ko ang buwan at mga bituin sa langit.

~~~Years Ago~~~

"Love, anong kukunin mong course sa collage?" Tanong ko kay Kenneth. Nakahiga kami sa garden nila at pinagmamasdan ang buwan at mga bituin. Nagsideview siya ng higa.

"Ano bang gusto mo para sakin?" Tanong niya na ikinatawa ko.

"Love, hindi naman sa lahat ng bagay kailangan ng permiso ko."

~~~End~~~

Mapait akong napangiti sa alaalang yun.

"Bakit andito ka? Malamok dito." Napalingon ako sa taong nagsalita. It's him. Kenneth. Hindi siya nakatingin sakin.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" Balik tanong ko sa kanya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa tabi ko.

"Tinanong kita tapos sagot mo tanong rin. Paano tayo magkakaintindihan niyan?" Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Oo nga naman. Tumingin na lang ako sa langit gaya niya. "Bakit ka nga ba andito sa labas?" Tanong niya ulit.

"Nabobored ako sa loob kaya lumabas ako." Sagot ko. "Ikaw? Bakit ka lumabas?" Tanong ko naman.

"Gaya mo, nabobored din ako dun." Sagot niya. Napatango tango na lang ako. Namayani ang katahimikan. Maya maya bigla siyang nagsalita. "Mabuti naging maayos na kayo ng Daddy mo." Napangiti ako sa sinabi niya.

"All this years. Akala ko wala lang ako sa kanya. Yung pag-alis pala namin noon akala ko dahil lang sa business ni Daddy pero mali ako. Kaya kami umalis dahil ayaw ni Daddy na makuha ako ng mga totoo kong mga magulang." Napangiti ako habang inaalala yung mga panahong pilit akong inilalayo ni Daddy sa mga totoo kong mga magulang. "At yung tungkol sa gamot na ininject sakin noon. Isa pala iyong gamot na makakalimutan mo ang lahat ng nangyari sayo sa nakaraan. Alam kong ginawa yun ni Daddy para lang hindi niya ako nakikitang nasasaktan." Dugtong ko.

"He really loves you." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"I know." Nakangiti kong sabi.

"Give me your hands." Kahit nagtataka inilahad ko parin ang kamay ko. Inilagay niya ang isang kwintas na may makapal na heart sa gitna. Kung titignan mukhang mabigat dahil sa kapal ng heart pero hindi. Hindi mabigat. "Yaan sana ang ibibigay ko sayo kapag first anniversary na natin." Natigilan ako dahil sa sinabi niya.

"E, bakit mo binibigay sa akin to?" Takhang tanong ko. Ipinasok ko sa sling bag na dala ko ang kwintas.

"Sayo naman talaga yan." Balewala niyang sabi.

"Anong akin? Adik ka ba? Paanong magiging sakin ito kung--"

~~~A year ago~~~

Iyak ako ng iyak dahil nawawala ako. Tumakas ako kay Daddy dahil gusto kong maglaro sa park na pinupuntahan namin ni Mommy.

"Pst! Bata!" Agad akong napalingon sa isang lalaki na nakadungaw sa bintana. Kumakaway siya sakin kaya tumigil ako sa pag-iyak. "Sandali lang." Hinintay ko ang lalaking yun. Lumabas siya ng kanilang Bahay. "Nawawala ka ba?" Tanong nito. Tumango naman ako. "Asan ba ang kuya at mga magulang mo?" Nagtakha ako sa tanong niya.

"Wala akong kapatid."

"Huh!? E, kuya mo si--" Naputol ang sasabihin niya ng biglang may sumigaw.

"Ac!" Napalingon ako sa taong sumigaw ng pangalan ko. Si Mommy. Agad akong tumakbo sa kaniya at tyaka siya niyakap.

Nang makauwi kami. Pinaakyat na ako ni Mommy para matulog. Kinabukasan nakatingin lang ako sa salamin. Parang may kulang sa sarili ko. Maya-maya naalala ko ang kwintas ko. Dali dali ko itong hinanap sa buong Bahay, umaasang makikita ko ito. Ngunit natapos ang ilang oras ng paghahanap ay nawalan na ako ng pag-asa kaya itinigil ko na ang paghahanap.

~~~End~~~

"Ibig sabihin ikaw si DB?" Gulat na gulat kong sabi.

"Oo, ako nga yung bata na nagtanong sayo kung nawawala ka. Kilala na kita noon pa pero nagulat ako ng sabihin mong wala kang kapatid. Teka what's DB?" Takhang tanong ni Kenneth.

"Short for Dungaw Boy" Agad siyang natawa kaya natawa narin ako.

"Hahaha! Sa lahat ng pwede mong itawag sakin, bakit Dungaw Boy pa?" Natatawa niya paring sabi.

"Syempre. Ayun yung ginawa mo nung Nakita mo kong nawawala. Dumungaw ka sa bintana para lang sitsitan ako at tanungin kung nawawala ako."

Hanggang sa matapos ang party ay nagkwentuhan lang kami ni Kenneth.

Kinabukasan...

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ay nag-ayos na ako ng sarili bago kunin ang mga gamit ko. Napansin ko kaagad ang ibinigay sa akin ni Kenneth kagabi. Yung kwintas ko. Kinuha ko ito at tyaka binuksan. Agad na may nalaglag doon. Isang papel. Pinulot ko ang papel tyaka binasa.

To: Ac

Pumunta ka sa airport bukas before 1pm. Kapag pumunta ka that means you sill love me. Kapag hindi ka pumunta ibig sabihin wala na talagang pag-asa.

From: Kenneth

Agad akong napatingin sa wall clock at nanlumo dahil sa Nakita. It's already 1:00pm. Nakaalis na siya. Wala na siya. Nag-umpisa ng mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. I still love him. Nagkaroon man ako ng galit sa kaniya, hindi parin naalis ang pagmamahal ko sa kanya.

*Knock*Knock*

Inayos ko ang sarili bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si kuya Nathan na nakangiti ng pagkalapadlapad.

"What do you need?" Walang gana kong tanong. Ibinigay niya sa akin ang isang envelope.

"Pinapabigay ni Trixie." Sabi niya tyaka umalis. Sinarado ko ang pinto tyaka tinignan ang laman ng envelope.

"Engagement party?"

Bestfriends ForeverWhere stories live. Discover now