Tumakbo kaagad ako sa Emergency Room. Pagpunta ko dun umupo muna ako.
Kinuha ko yung phone ko. Tatawagan ko muna sila tita Nica. Mommy ni Nico. Nakailang ring bago sinagot.
"Hello?" Sagot sa kabilang linya.
"Tita"
"Oh iha? Bakit ka napatawag?"
"Kasi po si Nico nandito sa ospital"
"Ano? Bakit sya nandyan? Anong nangyari ha?"
"Hindi ko po alam kasi may tumawag lang din po sa akin pinapunta po ako dito sa ospital"
"Sige, saan bang ospital yan?"
"Sa Lim's Hospital po malapit sa Citi's University"
"Sige, hintayin mo na lang kami dyan"
"Sige po tita"
Binaba ko na yung tawag. Maya maya lang nakita ko na sila tita Nica tyaka si tito Cholo.
"Iha" sabi ni tita. Tumayo naman ako at yumakap kay tita.
Sa di kalayuan may nakita akong babaeng doctor tyaka lalaking doctor. Teka! Si tita Trisha at tito Xien toh ah!? Humiwalay ako sa yakap namin ni tita Nica. Inakay ni tito Cholo si tita Nica paupo. Sakto naman na lumapit sa akin si tita Trisha. And the next thing i knew she slap me. Napahawak ako sa pisngi ko. First time kong makatanggap ng sampal galing kay tita Trisha.
Humarap ako kay tita. Galit na galit sya sakin. Alam ko na kung bakit sya nagkakaganyan. Lumapit si tita Trisha sa akin. Sinabunutan nya ko.
"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!" Sigaw ni tita Trisha.
"Hindi ko naman po ginusto na magkasakit si Trixie" Sabi ko. Pero mas lalo nya lang akong sinabunutan. Ayokong patulan si tita Trisha kasi alam ko naman na ako talaga may kasalanan. Lumapit na sa akin si tita Nica at tito Cholo. Si tito Xien naman, hinawakan nya na sa braso si tita Trisha. Si tita Trisha hindi parin nagpaawat.
"Kasalanan mo toh! Kung hindi mo pinag-alala yung anak ko edi sana wala syang sakit ngayon! Edi sana wala sya dito!" Nagulat ako sa sinabi ni tita Trisha. A-anong nandito?
"T-tita ano pong i-ibig sabihing n-nandito si Trixie?" Nauutal kong tanong kay tita Trisha.
"Sa sobrang pag-iyak nya inatake sya sa puso at muntikan na syang mabangga! Kung hindi dahil kay Nico nasagasaan na sya! At lahat ng nangyayari ngayon, dahil yun sa kagagawan mo!" Nakawala si tita Trisha sa pagkakahawak ni tito Xien. Tuluyan ng bumagsak yung luha ko dahil dun sa sinabi ni tita Trisha.
~~~~~
Tahimik lang kaming lima. Simula nung nalaman ko yung tungkol sa nangyari kay Trixie tyaka kay Nico, umiyak ako ng umiyak hanggang sa napagod akong umiyak. Si tita Trisha tumahimik na sya pagkatapos nyang magwala dito. Si tito Xien inawat lang ng inawat si tita Trisha. Si tita Nica umiyak din ng umiyak hanggang sa tumahan sya. Si tito Cholo inalo lang ng inalo si tita Nica. Maya maya may lumabas na doctor. Tumayo kami.
"Doc, kamusta po ang operasyon?" Tanong ni tita Nica.
"Sorry pero ginawa na po namin ang lahat" sabi ng doctor. Naguluhan ako sa sinabi ng doctor.
"Doc, ano pong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.
"I'm sorry to say this but both of them is dead" paliwanag nung doctor.
Bakit Trixie? Bakit mo kami iniwan? Nico? Bakit?
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
Ngẫu nhiênBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
