Nathan's PoV
Nagising ako dahil sa ingay ng sasakyan na nanggagaling sa labas ng bahay.
"Teka, anong oras na ba at may sasakyan na sa labas ng bahay?" Tanong ko sa sarili ko.
Agad kong tinignan ang wall clock ko dito sa kwarto para malaman kung anong oras na.
*12:30am*
Bumangon ako at bumaba sa sala. Sakto naman na bumukas ang pinto kaya napatingin agad ako sa pinto.
"Oh!? Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko agad kay Ac na kakapasok pa lang ng bahay.
Nang makababa ako ng hagdan ay bigla namang tumakbo palapit sakin si Ac at tsaka yumakap.
'May nangyari ba?'
Niyakap ko pabalik si Ac. "Anong nangyari?" Tanong ko.
"*sniff* kuya~" umiiyak si Ac habang nakayakap siya sakin.
"Shh! Andito lang si Kuya." sabi ko sabay hagod ng likod niya para tumahan na siya.
Maya maya tumigil narin siya sa kakaiyak.
"Nagugutom ka ba?" Tanong ko. Agad siyang tumango. Huminga ako ng malalim. "Sige na, umakyat ka na sa taas para makapagpahinga ka na." Hinalikan ko siya sa noo.
~~~~~~~~~~~~~
*Kinabukasan*
Ac's PoV
*Bogsh*Bogsh*
Nagising ako dahil sa kalampag ng pinto. Tumingin muna ako sa wall clock ko bago ako inis na napaupo sa kama.
*8:00 am*
Sino ba tong maingay na to!? Ang aga aga pa nambubulabog na! Inis akong bumangon tyaka ko binuksan ang pinto. Pagbukas ko bumalik agad ako sa kama tyaka humiga. Wala akong panahon na makipagkwentuhan sa kung sino man ang sumira sa tulog ko. Dumapa ako sa kama para matulog ulit. Narinig ko ang pagsara ng pinto.
"Bess!" Napatakip ako ng tenga dahil sa sigaw ni Trixie. Nalaman ko na agad na si Trixie yun dahil sa tinis ng boses. Napaupo ako sa kama tyaka kinuha yung alarm clock para ibato sa kanya. Akma kong ibabato sa kanya ng bigla siyang nagsalita "Woah! Bess, wag yan. Masakit yan." Sabi niya kaya ibinaba ko na ang alarm clock na hawak ko. "Buti naman at wala ka talagang balak na ibato yan" Nakangiti niyang sabi. Tumayo ako tyaka nag-ipit ng buhok.
"Actually, naisip ko kasi na kapag binato ko to sayo masisira lang. Sayang naman yung pinambili ko nito kung masisira lang ng dahil sayo." sabi ko bago pumunta sa banyo.
"Sorry naman diba!? Kasalanan ko bang nandito ako?" Nagmumog ako tyaka naghilamos ng mukha bago lumabas ng banyo.
"E, bakit ka nga nandito?" Tanong ko habang nagpupunas ng mukha.
"E, si Mommy at Daddy kasi nandito sa Bahay niyo pinapunta ng kuya mo." Napatingin ako dahil sa sinabi niya.
"Bakit daw?" Takhang tanong ko.
"About business ata"
"Ah~ so, andyan sila sa baba?"
"Yup at sabi ng kuya mo pumunta ako dito sa kwarto mo para gisingin ka." Umupo ako sa harap ng salamin tyaka nagsuklay ng buhok.
"Nagising mo nga ako, in a bad way nga lang."
"Mababato pa ko ng alarm clock mo ng hindi oras." Natatawa niyang sabi. Natawa na lang din ako.
"Bakit may pasigaw-sigaw ka pang nalalaman kanina pagpasok mo?" Tanong ko.
"Uhm... Kasi may sasabihin ako sayo. Naexcite lang ako masyado." Nagtaka ako sa sinagot niya. Bakit naman siya maeexcite? Hay! Bahala na nga.
"Tara na sa baba." Aya ko sa kanya.
Pagbaba namin Nakita na namin sila sa sala. Nakaupo na at mukhang kami na lang ang hinihintay. Lumapit ako kay tita Trisha at tito Xien tyaka bumeso.
"Good morning tita, tito." I said with a smile.
"Good morning din hija." Bati ni tito Xien. Ngumiti lang sakin si tita Trisha.
Lumapit ako kay kuya. "Good morning kuya." Sabi ko sabay kiss sa pisnge niya.
"Good morning." He said with a warm smile.
Umupo ako sa right side ni Trixie. Katapat ko si Tita Trisha nasa right side naman niya si tito Xien. Nasa dulo ng gitna si kuya. Nagdasal muna kami before start eating.
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
RandomBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
