Natapos ko ng ayusin yung mga dadalhin kong gamit. Naisip ko sa apartment na lang ni Kenneth ako tutuloy pansamantala hanggang sa makahanap ako ng malilipatan. Boyfriend ko na sya mag t-two months pa lang kami next week.
Lumabas ako dala yung dalawang maleta ko. Kinuha ko yung susi ng kotse ko, may lisensya naman na ako eh. Kaya walang problema.
Dumiretso ako sa garahe namin para kunin yung sasakyan. Nagmadali akong ilagay yung mga gamit ko. Tyaka ko pinaharurot yung sasakyan ko.
~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito na ako sa tapat ng apartment ni Kenneth. Kanina pa ako pindot ng pindot ng doorbell pero walang sumasagot. Tinawagan ko narin sya pero walang sumasagot. Nag text narin ako sa kanya pero ni isang text wala akong natanggap.
Kinuha ko yung pinaduplicate ko na susi in case of emergency. Pagkakuha ko binuksan ko agad yung pinto. Dumeretso ako sa kuwarto nya. Bubuksan ko na sana yung kuwarto nya ng may marinig ako.
"Babe, kailan mo ba sasabihin kay Ac?" Teka! Si Caitlyn toh ah!? Ano ang sasabihin sa akin? Tyaka anong babe?
"Babe malapit na. Konting hintay na lang" Kenneth!? Ibig sabihin siya yung sinasabihan ni Caitlyn?
Pumasok ako sa loob. Halatang nagulat sila.
"Anong ibig sabihin nito?! Ha?! Ano?! Caitlyn!" -Ako. Pinipigilan ko lang yung luha ko. Lumapit naman sa akin si Caitlyn ng nakangiti. Ngiting pang-asar. Akma nya akong hahawakan pero sinampal ko sya. "Huwag na huwag mo akong hahawakan!"
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
RastgeleBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...