BFF 23: 1 Week Later

52 0 0
                                        

Nathan's PoV

"Bakit ba ang tagal nila?" Inip kong sabi. Kanina pa nakaalis si Trixie sabi niya aayusin pa daw niya yung party para mamaya.

"Aray!" Napatingin ako sa kwarto ni Ac dahil sa sigaw niya.

Kinabahan ako kaya tumakbo na ako papunta sa kwarto niya. Pagbukas ko pa lang ng pintuan si Ac agad ang nahagip ng mata ko. Nakita ko siya na nakahawak sa ulo niya habang umiiyak.

"Mom, Dad. Ano pong nangyayari?" Tanong ko sa kanila. Lumapit ako kay Ac. "Ac, ano bang nangyayari sayo?" Nag-aalala kong sabi.

"Hindi namin alam. Kinukwento lang namin yung tungkol sa sakit mo tapos Ayun bigla na lang siyang kumapit sa ulo niya at nagsimulang sumigaw habang umiiyak" Sagot ni Dad. Hindi makapagsalita si Mom dahil sa kakaiyak.

Tumingin ako kay Ac dahil bigla na lang siyang tumigil sa pag-iyak at hindi narin siya nakahawak sa ulo niya. Para siyang lantang gulay kung titignan mo. Tinapik ko siya pero nagulat ako ng biglang natumba siya. Good thing dahil sa kama siya natumba at hindi sa sahig.

Hinawakan ko ang pulso niya pero hindi ko maramdaman yung heartbeat niya. Namumutla narin siya. Itinapat ko ang index finger ko sa ilong niya pero hindi ko naramdaman yung paghinga niya kaya agad agad ko siyang binuhat papunta sa sasakyan ko. Nagsimula na akong magdrive ng mabilis. Kulang na nga lang paliparin ko ang sasakyan ko sa sobrang bilis.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Tita, kamusta na po ang kapatid ko?" Tanong ko kay tita Trisha na kakalabas lang ng operating room. Siya ang doctor ni Ac.

"Nathan, Mabuti at nadala mo agad si Ac dito." Sagot ni tita

"Bakit tita?"

"May pinapainom ka bang gamot sa kanya?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni tita. Anong gamot?

"Wala po"

"E, may tinuturok ka ba sa kanya?" Tanong niya ulit.

"Wala po" Sagot ko. Agad napakunot ang noo ni tita Trisha. "Bakit po tita?"

"May gamot kasi kaming Nakita sa dugo ni Ac. Pero hindi ko pa alam kung anong klaseng dugo yun. Masyadong kakaiba yung gamot." Paliwanag niya.

"Pero tita. Okay na po ba siya?" Tanong ko ulit.

"One thing Nathan. Naputulan ng isang ugat ang kapatid mo sa ulo dahil hindi niya kinaya yung gamot. At dahil sa ugat na naputol macocomatose siya. Hindi ko alam kung kailan siya magigising. Sa ngayon ang kailangan niya lang ay kayo at ang dasal niyo." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni tita. Naramdaman ko ang pagdikit ng kamay niya sa braso ko. "Mauna na ako." Paalam niya.

~~~~~~~~~~

*1 week later*

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Ac. Hanggang ngayon andito parin siya sa hospital at hanggang ngayon di parin siya gumigising. Pero wala na siya sa ICU. Pwede naman na daw siyang ilipat sabi ni tita dahil hindi na daw Malala ang kundisyon ni Ac. Yun nga lang machine ang bumubuhay sa kaniya. Sa oras na tanggalin yung machine na nakakabit sa kaniya hindi na siya mabubuhay pa kaya hindi namin pinapatanggal. Ayaw pa namin siyang mawala. Hindi pa kami handa.

Bumungad sakin si Trixie na nakaupo sa tabi ni Ac. Palagi naman siyang nandyan e. Siguro hindi na yan umaalis sa kinauupuan niya. Kanina bago ako umalis ganiyan ang pwesto niya at pagbalik ko hindi parin siya umaalis sa pwesto niya. Pero pansin ko lang, nung mailipat si Ac dito sa private room hindi pa siya naliligo. Pfft! Lumapit ako sa kanya.

"Trixie. Wala ka bang naaamoy?" Tanong ko sa kaniya.

"Huh!? Ano ba yun?" Suminghot pa siya bago tumingin sakin. "Maliban sa amoy ng gamot dito sa ospital. Wala na." Sagot niya saka binalik ang tingin kay Ac.

"Meron." Sabi ko sa kanya.

"Ano ba kasi yun kuya Nathan!?" Takang tanong niya.

"Ikaw! Ang baho mo na kaya! Ilang araw ka ng hindi naliligo!" Sabi ko sa kaniya habang umaakto na parang ang baho talaga. Kahit hindi naman. Nagtakip pa ako ng ilong para epektib ang acting ko.

"Ako!?" Inamoy amoy niya ang sarili niya bago tumingin ng masama sakin. "Hindi naman e!" Natawa ako sa sinabi niya. Hindi naman talaga mabaho e. Gusto ko lang siyang paliguin at asarain. Hahaha!

"Hahaha! Maligo ka na kasi!" Asar ko pa sa kaniya sabay bato nung bag niya na naglalaman ng mga damit niya. Nakita ko kasi si tita Trish kanina tapos nagkaroon ng emergency kaya pinaabot niya na lang sakin.

"Ayoko nga. Hihintayin ko munang magising si Ac."

"Anong? Hindi ka maliligo? Sige, mamili ka. Maliligo ka o sasabihin ko sa mama mo na pauwiin ka na?" Pagbabanta ko. Padabog siyang pumasok sa banyo. Hahaha!

Mmm... Hula ko, lalabas yan ng banyo. Naiwan niya yung bag niya e. Hahaha!

Maya-maya lumabas nga siya ng banyo. Hahaha! Sabi sa inyo e!

"Wag kasing magmadali~" Pagpaparinig ko pa. Narinig kong padabog niyang sinara yung pinto. Hahaha!

Bestfriends ForeverStories to obsess over. Discover now