"Ac wake up" tapik sa akin ni Nathan. Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami.
Ngumiti lang ako sa kanya sign na gising na ako. Lumabas sya ng sasakyan. Lalabas din sana ako pero nag sign sya na wait lang kaya hindi ko natuloy yung paglabas ko. Binuksan nya yung pinto sa kanan ko which is kung saan ako nakaupo. Lumabas ako.
"Salamat" tangi kong sabi pagkalabas ko ng sasakyan. Ngumiti lang naman sya.
Naglakad kami papasok ng bahay nya. Malaki din naman yung bahay parang katulad lang din sa amin.
"Ikaw lang mag-isa dito?" Tanong ko pagkaupo ko sa couch nila.
"Mmm... Kapag wala ang parents ko ako lang mag-isa" ani nya. Umiinom sya ng tubig. "Anong gusto mong kainin?" Tanong nya tyaka sya pumunta sa... I think kusina. Tumayo ako para sundan sya.
"Kahit ano" sabi ko. Umupo ako sa couch nila dito sa kusina. Ang dami namang couch dito?
"Walang pagkain na kahit ano dito" natatawang ani nya. Naghahalungkat kasi sya sa ref nila.
"Sira! Kahit anong pagkain sabi ko" natatawa ring ani ko.
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
RandomBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
