Inisip ko kung ano yung ibig sabihin ni Trixie, pero kahit anong pilit ko. Hindi ko parin makuha yung pinupunto niya. Maya-maya naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko. Paglingon ko si kuya Nathan lang pala. Nakatingin siya sa langit.
"OK ka lang ba kuya?" Tanong ko sa kaniya. Kasi parang ang lalim ng iniisip niya eh. Tumingin siya sa akin.
"Akala ko forever mo na akong Hindi papansinin" Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Walang forever" sambit ko.
Tumingin ako sa langit ganun din naman ang ginawa Ni kuya.
"Kumusta ka na?" Biglang tanong ni kuya. Nagtataka along tumingin sa kaniya.
"Kuya nakadrugs ka ba?" Kunot noo Kong sabi. Tumingin naman siya sa akin ng natatawa.
"Baliw" sabi niya sabay gulo ng buhok ko. Agad ko naman yun tinapik.
"Wag mong guluhin" naka pout Kong sabi. Natawa naman siya tapos tumingin ulit sa langit. Ganun din ginawa ko. Natahimik kami. Maya-maya binasag niya any katahimikan.
"C, bakit parang ang lalim ng iniisip mo kanina?" Tanong niya.
"Ah yun ba!? Si Trixie kasi may sinabi then she left me puzzled" sabi ko.
"Ano bang sinabi niya?"
"Sabi niya 'walang permanente dito sa mundo, lahat pwedeng magbago at mawala sayo'"
"Mukhang mahirap nga yan." Sang-ayon Ni kuya.
Maya-maya tumayo siya. "Ac, it's time" kunot noo ko siyang sinundan palayo hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay.
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
De TodoBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
