~~~Last day of school~~~
Ac's PoV
Ilang buwan na simula nung nag nagkita kami dito sa school. Simula nung nagkasagutan kami sa hallway, palagi na syang binubully. Gusto ko syang tulungan pero kapag naaalala ko na may nagawa ako sa kanya umuurong ako. Kaya ang ending lalagpasan ko sya. Araw araw syang binubully at ako araw araw ding nilalagpasan sya.
Last class na namin. Kailangan ko pang magpunta sa library.
"Ac tara na" sabi sa akin ni Agatha. Umiling ako.
"Hindi ako sasabay. Pupunta pa akong library." Sabi ko.
"Anong gagawin mo dun?"
"Matutulog ako" sarcastic kong sabi.
"Seryoso?" Ala ka! Ang shunga talaga nito kahit kailan.
"Oo bakit may angal?" Taas kilay kong tanong.
"Wala naman. Sige na alis na ako." Sabi nya tyaka sya tumakbo. Takot sakin yung babaeng yun eh.
Makapunta na nga lang sa library.
Pagpunta ko dun, hinanap ko kaagad yung librong hinahanap ko. Nang makita ko na, dapat kukunin ko na kaso may humawak din sa book na yun. Pagtingin ko binitawan ko yung book. Tyaka ako naghanap ng ibang libro.
"Ac can we talk?" Tanong nya.
"Anong sasabihin mo?"
"Bakit ka ba nagbago?" Tumaas yung kilay ko sa sinabi nya. Nagbago nga ba ako?
"Hindi ako nagbago" cold kong sabi sa kanya. Sorry Trixie pero kailangan ko tong gawin, naumpisahan ko na kailangan tapusin ko.
"Hindi, nagbago ka. Hindi mo ako maloloko. Bakit ka nagbago?! Akala ko ba walang magbabago?! Asan na yung pangako mo?! Asan ka na?! Hindi na ikaw yan! Ibang tao na yan! Hindi na ikaw yung Ac na nakilala ko! Yung Ac na natatakot na magalit ako! Yung Ac na laging nandyan sa tabi ko! Yung Ac na tinutulungan ako kapag binubully ako! Yung Ac na may puso! Hindi yung katulad mo na walang puso! Ano bang nangyari sayo?! Ha?! Bigla kang hindi nagparamdam! Nag-alala ako kasi baka may nagawa ako! Tinext kita tinawagan kita, tinawagan ko na si tita Grace! Pati narin si tito Nathan! Pero ang sabi nila hindi daw nila alam kung nasaan ka! Kung ano na ang nangyayari sayo! Ac naman!" Mahabang sabi nya. Tumutulo narin ang luha nya. Ako? Pinipigilan ko lang yung luha ko. Alam kong nag-uumpisa na syang magalit. Inihilamos nya na yung kamay nya sa mukha nya. Yung libro nabitawan nya na. Tumingin sya sakin. Umiwas ako ng tingin, hindi ko sya kayang tignan ng matagal kapag umiiyak sya. Masakit para sa akin na makita syang nagkakaganon. "Araw-araw umaasa akong magrereply ka sa mga text ko! Umaasa ako na isang araw sagutin mo na yung mga tawag ko sayo! Tapos ano?! Makikita na lang kita basta-basta dito?! Ha?! Nawawalan narin ako ng time kay Mommy at Daddy para lang anytime matawagan ka! Pero ano?! Ni isang text o tawag wala akong natanggap! Nasan ka nung mga panahon na lagi akong nasasaktan?! Nasan ka nung mga panahon na kailangan ko ng tulong mo?! Nasan ka nung mga panahon na gusto ko ng gumive up dahil sa sakit ko?!" Nagulat ako sa sinabi nya. All this time may sakit sya!?
"May sakit ka!?" Kunot noo kong tanong.
"Oo! May sakit ako! Kailangan akong operahan sa puso!? At alam mo ba kung bakit ako nagkaron ng sakit na ganito?! Dahil sayo! Sa sobrang pag-aalala ko sayo nakalimutan ko na yung sarili ko! Nakakalimutan ko ng kumain at matulog sa tamang oras!" Aalis na dapat sya pero hinawakan ko yung braso nya. Tinanggal nya yung kamay ko sa braso nya. "Wag mo akong hawakan! Sana naisip mo manlang kung ano ang mangyayari sa mga taong nag-aalala para sayo!" Dagdag nya bago sya umalis.
Napaupo na lang ako sa kinakatayuan ko. Kasabay ng pag-upo ko ay ang pagbagsak ng luha ko.
"Sorry Trixie~"
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
RandomBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...
