Umupo kami sa damuhan, malinis naman yung damo kaya ok lang na upuan.
"Kamusta ka naman dito? Kayo ng kuya mo?" Tanong nya.
"Ok naman. Medyo pagod lang sa work" sagot ko.
"Bakit kasi umalis ka pa sa puder ng parents mo? Yan tuloy naghirap ka" natawa ako sa sinabi nya.
"O.a mo. Hindi naman ako naghirap"
"E, ano naging poor ka lang?"
"Gaga hindi nga! In-english mo lang yung tinanong mo kanina eh"
"E, bakit ka nga umalis sa puder ng parents mo?"
~~~5 years ago~~~
~~~America~~~
Papunta ako sa kuwarto nila Mommy at Daddy dahil may kailangan akong papirmahan. Nasa tapat na ako ng pinto nung narinig ko yung usapan nila.
"Dhie, natatakot akong mawala si Ac" -Mommy. Bakit naman ako mawawala?
"Bakit ka ba natatakot mawala si Ac? E, hindi mo naman tunay na anak yun eh!" -Daddy. Nangilid ang luha ko dahil sa narinig ko. All this time hindi nila ako tunay na anak?
"Dhie naman, wag kang ganyan. Napamahal na ako kay Ac hindi ko kakayanin na mawala sya sa akin" -Mommy. Hindi ko na kayang pigilan yung luha ko. Nakatitig lang ako sa pintuan. Gusto kong tumakbo pero parang nakapako na yung mga paa ko.
YOU ARE READING
Bestfriends Forever
बेतरतीबBestfriends kayo pero bakit may nagbago?... Bestfriends kayo pero bakit may nagtago ng sikreto?... Bestfriends kayo pero bakit yung isa walang alam sa mga nangyayari dun sa isa... Sabi nila kapag may bestfriend ka mapagkakatiwalaan mo sya. Masasabi...