Trabaho

62 2 1
                                    

"Okay na ba 'tong make-up ko? Masyado na yatang makapal?" tanong ni Baste kay Elmer habang nakaharap sa malaking salamin.

"Oo pre, ayos na 'yan. Sandali lang naman natin 'to gagawin at pagkatapos, may pera na tayo," sagot ni Elmer.

Aligagang-aligaga ang dalawa sa pag-aayos ng kanilang sarili. Kinapalan nila ang kanilang kolorete sa mukha dahil ayaw nilang makilala ng kahit sino man. Maging ang kanilang buhok ay iniba nila ang ayos at kulay.

"Ano ba kasi ang gagawin natin? Wala akong alam dito. Hindi ako nakaranas nito, pre," muling tanong ni Baste.

"Basta galingan mo lang sa paggiling," sabay tawa. "Kailangan mag-enjoy sila para malaki ang tip na ibigay sa atin," sagot ni Elmer habang naglilipstick.

Maya-maya'y may pumasok sa kwarto na pinag-aayusan nila.

"Mga pre, malapit na kayo sumalang. Kayo ang mga baguhan 'di ba? Kung gusto niyong magtagal dito, pasayahin niyo sila!" paalala ng isang barakong lalaki at agad na umalis.

"Baste, h'wag kang mag-alala. Isipin mo lang na para 'to kay nanay."

"Oo na! Nasaan na ang mga kendi? Siguraduhin mong nakakatawa ang jokes mo a!"

Lumabas silang dalawa at nagsimulang maghiyawan ang mga bata.

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon