Lipstick

33 1 0
                                    

"I love you babe!"

"I love you too, babe!"

"Mahal mo ba talaga ako?"

"Oo naman! Ikaw lang, sapat na!"

"We? Baka mamaya nakikipagkita ka na sa ibang babae sa labas a!"

"Babe, alam mo bang tatlong araw na akong hindi lumalabas?"

"Biro lang! Alam ko namang trinangkaso ka kaka-basketball mo!"

"O! Alam mo 'yan. Mahal na mahal kita!"

"Sige nga, maghubad ka nga!"

"S...seryoso ka?"

"H'wag ka mag-alala! Hindi ba't lola mo lang naman ang kasama mo rito sa bahay niyo? Hindi tayo no'n maririnig. Matanda na 'yon!"

"Paano kung gusto kong ikaw ang gumawa no'n sa akin?"

Napangiti ang dalawa. Agad namang sinunod ng dalaga ang utos ng binata at sabik na tinanggal ang saplot nito. Nag-iinit na ang buong silid nang biglang...

"P...puta! Ba't may dugo rito?"

"Saan?"

"Ayan, sa brief mo!"

"Hindi 'yan dugo!"

"T...teka! Hindi nga dugo! Amoy lipstick 'to! May babae ka 'no? Manloloko ka!"

Nagulat ang binata nang bigla siyang sampalin at sipain ng kaniyang kasintahan. Nahulog siya sa kama at pinagbababato ng mga bagay-bagay na nakalagay sa maliit na mesa. Naging maingay ang seryeng iyon. Maya-maya'y biglang bumukas ang pinto.

"A...ano bang nangyayari rito, apo? Ba't kayo nakahubad? Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa gulat! Ayan tuloy, lumagpas ang lipstick ko!" sabay hagikhik ng matanda.

Napatingin ang dalaga sa katabi nitong brief at sa labi ng matanda. Nanlaki ang kaniyang mga mata at tuluyang nawalan ng malay.

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon