Nay, Huwag!

24 2 0
                                    

"'Nay, h'wag mo kaming iwan! 'Nay gumising ka! Hindi namin kayang mabuhay ng wala ka! 'Nay!"

"Anak, magpakabait ka a. Alagaan mo ang mga kapatid mo. Lagi kang lalayo sa masasama at huwag na huwag mo kalilimutang magdasal. Paalam..."

"'Nay! Hindi! Hindi ito totoo! 'Nay! H'wag po!" banggit ni Ana habang humahagulgol sa sahig at pinagtitinginan ng mga tao.

Pagkatapos nito'y nagpalakpakan ang mga taong nakatingin sa kaniya habang lumuluha.

"Pasok ka na, Iha," sambit ng judge kay Ana.

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon