Salarin

18 3 0
                                    

"Namatay ang asawa ko. Nawalan kami ng kabuhayan. Hindi na nakapasok ang mga anak ko sa eskuwelahan!" banggit ng isang nanay habang lumuluha.

"Malinaw sa amin ang nangyari sa'yo, Misis. Ngunit maaari mo bang ituro ngayon kung sino ang may kagagawan nito?" utos ng isang matandang lalake sa loob ng korte.

"Siya...Siya po! Sigurado akong siya ang may kagagawan nito!" sigaw ng nanay habang dinuduro ang isang istatwa ng babaeng nakapiring at may hawak na timbangan.

"Nababaliw na siya, paki-dampot na ito at may meeting pa ako," utos ng matanda sa mga pulis at inabutan ng pera.

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon