Punit

19 1 0
                                    

Halos mapunit na ako noong una kayong sumubok. Sinarado ang pintuan, pinatay ang ilaw, at sinimulang ipasok. Tama sila, ang sakit ay nawawala kapag tumagal na. Ubos na ang lakas, lupaypay na. Kasabay ng pagbayo ng ang pag-pilantik ng patak ng ulan sa labas. Napakasarap pakinggan, napipiping bumigkas. Puno ng ungol ang kwarto, animo'y mga ulol na aso. Wala akong pake anuman ang posisyon niyo dahil ang sakin lang, maging maligaya kayo. Maging masaya habang hindi nasusulyapan ng mga tao.

Isa , Dalawa, Tatlo! Bumagal ang pagkilos, senyales ng pagputok. Tumatagaktak na ang pawis ngunit hindi pa rin tumigil sa pagsubok. Patuloy na nagkainan ng tanging kayamanan. Patuloy na iwinagayway ang bandera ng kalaswaan. Nakatutuwang isipin dahil isa lang akong hamak na patapon. Matapos gamitin sa kasarapan, itatapon na lamang sa basurahan.

Ngayon, punit na ko. Nasira na rin ang buong pagkatao ko. Dapat ko nalang bang tanggapin na pangkama lang talaga ko? Isang damit na isinusuot tuwing isasagawa ang malaswang ritwal?

"Ano bang flavor sa susunod ang gusto mo?" bigkas ng matandang lalakeng bumalot sa akin.

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon