Ang Pagtutuos

20 2 0
                                    

Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkita. Sa wakas, nagkaharap din kami. Kaming dalawa lang sa isang abandonadong pabrika. At siya...malayo na ang narating. Isa na siyang ganap na sundalo. Ako, walang ganap kundi isang berdugo.

"Wala ka pa ring pinagbago, Jun!" sigaw ko mula sa malayo.

"Ikaw din naman, Andres!"

"Mag-isa ka lang?" tanong niya.

"Ba't naman ako magdadala ng iba? Gusto kong ako lang ang makaka---"

"Naninigurado lang. Huwag ka mag-alala, wala rin akong dinala. Magtutuos tayo ng masinsinan."

"Aba, aba! Matipunong sundalo," bigkas ko.

Humakbang siya papalapit.

"Nananatili ang pagiging magandang lalaki."

Humakbang pa siya ng papalapit.

"Pero ang tanong, gaano ka na ba kahusay?" ngisi ko at linabas ang aking baril.

Halos ilang pulgada nalang ang layo namin sa isa't isa. Maya-maya'y may dinukot siyang baril. Mas malaki at mas mahaba. Kinasa niya ito. Tumakbo siya papalapit at kami'y nagtitigan.

Ilang minuto'y nagputukan kami...ng mapayapa.

Walang dugo. Walang talo. Hiningal lang kaming pareho.

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon