Telebisyon

33 2 0
                                    

"Anak, patayin mo nga 'yang TV! Napaka-ingay. Puro pagpapa-inggit na patalastas at walang katuturan lang naman ang binabanggit! Hindi kami magkaintindihan ng kumpare ko rito sa pag-uusap o!" utos ni Ruben sa kaniyang anim na taong gulang na anak na si Ricky.

"Pare, ito a, alam mo ba yung misis ko, may malaking sweldong naipapadala dito sa Pinas. Taga-linis lang yon ng pwet ng mga matatandang kano pero halos limampung libong piso ang naipapadala samin dito. Ito pa, ang asawa kong 'to ay maiha-"

Naputol ang pagsasalita ni Ruben nang maramdaman niyang may tumusok na gunting sa kaniyang leeg. Nagsuka siya ng dugo at nagsimulang magkalat sa sementadong sahig.

"Pa, 'yan na po. Napatay ko na," banggit ni Ricky habang tinititigan ang amang naghihingalo.

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon