Bahay-bahayan

193 3 0
                                    

"Nay, okay na po ba itong pagkaka-ayos ko ng kurtina dito sa bintana ng bahay natin?" tanong ni Ana sa kaniyang nanay.
"Oo anak. Mag-ingat ka, baka mahulog ka sa upuan na kinakatayuan mo," sagot naman ni Merly sa kaniyang anak.
"Nay, halika po dito! Napaka-ganda ng tanawin o! Ang tataas ng gusali at may malaking picture ng idolo kong si Marianne Rivera. Tapos may mga iba't ibang kulay pa ng sasakyan. Kitang-kita ko pa po rito yung swimming pool o! Ang gaganda 'nay!"  anyaya ni Ana sa nanay niya.
"Hindi na anak. Tuturuan nalang kita diyan sa pag-aayos mo," sagot ni Merly kay Ana.
"Sige na po! Alam mo ba 'nay? gagaling ang sakit mo sa puso kapag nakita mo 'to. Pramis 'nay!" pabirong sabi ni Ana mapilit lang ang kaniyang nanay.
"Sige na nga anak, baka naman hindi ako magkasiya diyan," patawang sabi ni Merly sa anak niyang nagpupumilit.
Hindi natiis ni Merly ang pangungulit ni Ana kaya'y wala siyang nagawa kundi pumasok sa isang bahay na gawa lamang sa karton at nakangiting sinalubong ang anak na nakadungaw sa maliit na butas na nagsisilbing bintana. Sila'y masayang nagkwentuhan habang nakatingin sa ilog ng basura at sa mga dumaraan na sasakyan.

"Kring! Kring! Kring!" biglang tumunog ang aking cellphone na gumising sa aking diwa.
"Ang laki na pala ng pinagbago ko. Parang kailan lang, nakatira pa kami sa ilalim ng tulay at nakasilong sa yari sa karton na bahay. Nagyon, may sarili na akong sasakyan,mansion at nagsisilbi nang ina ng bayan. Sayang! Kung hindi lang ipinagkait ng sakit sa puso ang buhay ni nanay, sana nakikita niya ang pag-abot ko sa aming matagal nang pinapangarap." bulong ni Ana sa kaniyang sarili habang inaalala ang kanilang buhay ng kaniyang nanay sa ilalim ng tulay noong siya'y bata pa lamang.

"Hello? Yes, this is the President."

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon