Bahala na si Batman

32 2 0
                                    

"Paano na 'to? Hindi kaya'y mapahamak tayo sa gagawin natin? Baka masagasaan ka o kaya mahuli ng mga pulis!" natatarantang sambit ni Marie kay Julio.

"Hindi 'yan! Magtiwala ka lang. Kung sakaling magkagipitan na, tumakas ka na. Bahala na si Batman!" sagot ng binata.

"Ano? Bahala na si Batman?"

"Oo nga! Sige maghintay ka rito. Dadaan na ang matandang may kumikinang na alahas. Sige na!"

Tumakbo ng matulin si Julio patungo sa kabilang kalsada. Tila nakipagpatintero ang binata sa mga rumaragasang sasakyan ngunit hindi niya inaasahan na siya'y madadale ng malaking trak.

Nagkalat sa kalsada ang iba't ibang parte ng kaniyang katawan at nabasag ang ulo na kung saan halos makita na ang wasak na utak nito.

Si Marie, tumakbo siya patungo sa pinangyarihan ng aksidente.

"Sinasabi na nga ba, ang superhero ay sa libro't telebisyon lang makikita. Hay nako, bahala ka na nga d'yan!" bulong ng dalaga at tuluyang linisan nang nakangiti ang duguang kalsada.

Biglang nagulat ang lahat nang sumulpot ang isang humaharurot na motor at pinatalsik ang isang batang babae.

"Nasaan ka na, Batman?" muling bumulong si Marie habang nakatingin sa nahati niyang katawan.

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon