April Fools

21 2 0
                                    

"Uy miss, mukhang aligaga ka diyan a? May problema ba? May humahabol ba sayo?"

"A..e..may lalake kasi akong nakita kanina manong. May dala siyang kutsilyo at -" naputol sa pagsasalita ang dalaga nang nagsalita muli ang mama.

"A si Buknoy 'yon! Siya ang taga-katay sa lugar namin dito, sa palengke. H'wag ka mag-alala, hindi 'yon kawatan."

"A paumanhin po! Bago lang po kasi ako dito kaya medyo nangangapa pa ko sa lugar na ito."

"Ayos lang iha. Basta't h'wag mo lang sila pagbibintangan agad dahil hindi lahat ng nakikita mong may hawak na patalim o baril pa man 'yan, e... masama."

"Sabagay. Sige una na po ako."

"Teka sandali lang. Bibinyagan muna kita." biglang naglabas ng patalim ang mama at itinutok ito sa tagiliran ng dalaga.

"Holdap 'to. Ilabas mo lahat ng pera mo kung hindi, sasaksakin kita." banggit ng mama sa dalaga.

"A e...wala po akong pera. Maawa po kayo." pagkatapos bitawan ng dalaga ang pagpapaawang ito, itinulak niya sa tabi ang mama at tinutukan ng baril.

"Holdap 'to! Mukhang naliligaw ka yata manong. Sa tinagal kong pagseserbisyo rito, hindi pa kita nakita ungas!"

"H'wag iha. Gusto lang kita lokohin. Iha..." nawalan ng boses sa pagsasalita ang mama nang biglang may umalingawngaw na tunog ng baril.

"Happy April Fools manong," sambit ng dalaga habang tinatawanan ang mamang nakatitig lamang at kinakabahan. Ang baril...confetti lamang ang ibinuga. Kita sa mukha ng mama ang inis at kaba.

"Huli ka na iha. Ako pa ang niloko mo, bago ka lang rito. Haha dahil dito sa amin, halloween na. Lahat ng bago, gagawing bago." banggit ng mama habang pinapanood ang paghiwa ni Buknoy sa katawan ng dalaga.

"Salamat Buknoy, loko-lokong babae! Ihatid mo na 'yan sa palengke at maghahanap pa ko ng mga bago."

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon