Habang nakatitig sa mga ulap, naaninag ko ang isang ibon. Malaya itong lumilipad. Bawat pagaspas ng kaniyang mga pakpak ay kaysarap panoorin. Isa siyang matapang na ibon dahil buong puso nitong sinasalubong ang bawat paghampas ng hangin. Ngunit sa paglipad ng ibon sa himpapawid, hindi inaasahang nawala ito sa balanse at natumba. Ang kaniyang mga pakpak ay tumigil sa paglipad at tanging dugo lamang ang lumalabas rito. Marahil siya'y nabiktima ng tirador ng mga walang pusong mga bata.
"Kawawa naman, buti hindi ako siya," bulong ko.
"Uy pare, ano bang nagawa mo? Ba't ka narito?"
"A...niyaya lang ako. Hindi ako ang may gawa."
"'Yan tayo e! Dapat kasi 'di mo tinanggap."Muli akong tumitig sa langit. Ang ibong duguan kanina, muling lumilipad nang mabilis at tumakas sa masasamang bata. Matulin ang pagpagaspas nito kaya'y mabilis siyang nawala.
"Sana pala katulad ko siya. Marunong bumangon. Marunong tumakas," muli kong bulong.
"Alam mo pare, may alam naman akong paraan kung paano kumawala sa rehas e."
"Ligtas ba 'yan? Sabagay, wala naman sigurong masama kung susubok," banggit ko.
BINABASA MO ANG
Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)
Historia CortaAng magpalipas ng gutom ay masama pero mas masamang palipasin ang nangangayayat na imahinasyon at tuyot na emosyon. Ito ay koleksiyon ng mga dagling may iba't ibang lasa na papawi sa iyong kagutuman. Basahing maigi. Huwag magmadali dahil ang mga ito...