Pulis

40 1 0
                                    

Pawang butil ng bigas ang pawis na tumatagaktak sa noo ni Maria. Kaliwa't kanan siyang nagmamasid at dahil hindi na siya pamilyar sa daang tinatahak niya. Maya-maya'y nakatagpo siya ng isang pulis na nagroronda sa mala gubat na pook na iyon.

"K...kuya, saan ba ang daan pabalik sa Maynila?"
"Iha, kumaliwa ka riyan. Mag-ingat ka lang, baka gabihin ka sa paghihintay," paalala ng pulis habang inaayos ang baril.
"W...wala po ba ditong maaaring matuluyan kahit isang araw?"
"Mayroon kaso malayo-layo pa. K...kung gusto mo, ihahatid kita," aya pa niya.

Halos tatlumpong minuto ang tinagal bago sila makarating sa isang lumang bahay na pinaliligiran ng mga puno. May nakasabay din siyang isang dalaga na kumuha ng silid dito. Maluwag ang paupahan at ang bawat pinto sa silid ay may nakadisenyong itim na mahabang buhok. Nagpaalam na sa kaniya ang pulis at naiwan siya sa silid.

Ala-una ng madaling araw nang biglang magising ang dalaga. Binasag ng malakas na sigaw ang katahimikan. Sumulyap siya sa bintana at nagulantang sa nasaksihan. Maya-maya'y bigla siyang nakarinig ng katok at kumabog ng malakas ang kaniyang puso. Dali-dali siyang lumabas sa bintana at tumalon mula sa ikalawang palapag ngunit nakita siya ng isang matandang lalaki na nakatingin ng masama at nakangisi. Gumapang ang dalaga dahil hindi siya makatayo. Naiiyak siya sa kaniyang mga nasaksihan. Nang makaabot sa kalsada, nakita niya muli ang pulis.

"T...tulong!"
"Anong nangyari sa'yo?"
"U...umalis na tayo!"

Nagtataka ang pulis sa pinagsasasabi ng dalaga. Binuhat niya ito at pinatakbo ng matulin ang motor.

"G...gusto ko na umuwi," bulong ni Maria at biglang nawalan ng malay.

Paggising ni Maria ay nabigla siya sa kaniyang nakita. Isang bangkay ng kalbong dalaga ang linalangaw at nakasabit sa puno. Ang motor na sinakyan niya kasama ang pulis ay nakatumba. Hindi makasigaw si Maria dahil nakatahi ang kaniyang bibig. Ang kaniyang mga kamay ay wala ng daliri. Ang katawan niyang hubad ay pinalilibutan ng matatandang lalaki na bumibigkas ng orasyon. Maya-maya'y piniringan siya't narinig ang isang pamilyar na tinig.

"Ihanda ang susunod na alay at ang nagbabagang talyasi," utos ng unipormadong mama na may hawak na baril.

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon