Ano po ito?

15 2 0
                                    

"'Nay, ano po 'to?" tanong ng bata na nakaturo sa isang imahe mula sa libro

"A...puno ang tawag diyan, anak," sagot ng kaniyang ina habang pinupunasan ang kaniyang tumatagaktak na pawis.

"Saan po 'to nakikita? Mayroon po ba nito sa labas? sa malayong lugar? sa probinsy---"

"'Nak...kasi ano..."

Hindi alam ng ina ang kaniyang isasagot. Napasulyap na lamang siya sa mga nagtataasang gusali at nagliliparang makina sa labas ng kanilang bintana.

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon