Wakas

28 2 0
                                    

Walang awang tinadtad ng saksak ni Berto ang isang babae. Nagtalsikan ang dugo sa kanilang mga mukha at ang ilang mga lamang-loob ay nagsilabasan na. Pagkatapos, hinalikan niya ito na tila nababaliw. Maya-maya ay dinampot niya ang kutsilyo at buong lakas na sinaksak ang sariling puso.

"S...sa wakas, magkakasama na tayo," wika niya bago siya malagutan ng hininga.

Dahan-dahang nagsara ang kurtina at naiwang nakatulala at lumuluha ang mga manonood.

"P...pota! Ba't ganoon ang ending?" sigaw ng mga manonood sa loob ng teatro.

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon