Lena

21 3 0
                                    

Naaalala mo pa ba? Yung unang araw na ako'y binigyan mo ng pangalan. Ako'y sayo at ikaw ay sakin. Ngunit hindi ko alam. Isa ka palang nakakadiring nilalang. Mula ulo hanggang paa, ang buong katawan ko'y nahawakan mo na. Inalis ko ang pag-iisip ng malaswang bagay ngunit hindi ko mapigilan.

Sa tuwing ika'y bagot, ginagawa mo ang kinakatakutan ko. Nakakakiliti sa simula ngunit nangibabaw parin ang pandidiri. Sa bawat haplos ng kamay mo sa aking katawan ay ang siya ring pag sakal sa munti kong puso. Hindi ka ba naaawa? Kita ko sa mukha mo ang sarap. Walang ibang narinig kundi ungol ng isang lalakeng binubulungan ng demonyo. Nagsimula ka sa ulo ko. Inilabas mo ang iyong batuta at tila hinampas sa labi ko. Nakakasuka. Isinunod ang harap ko. Ramdam ko ang sarap at sabik sa paglapat at pagpisil ng mga palad mo rito. Kagat-labi kang lumipat sa kayamanan ko. Binuksan ang takpanan at linanghap ang laman. Nakakadiri. Ang mala demonyo niyang ngiti ay nasilayan ko muli. Ikiniskis niya ang mayroon siya. Ramdam ko ang tigas ng isang bagay na puno ng pagnanasang maranasan ang napapanood niya lamang. Maya-maya'y tila bumilis ang oras. Bumilis ang pagtaas baba. At biglang sumabog ang naging bunga ng pinagpaguran.

Nakakadiri akong titigan. Nakahandusay sa kamang nakasaksi ng aming kalaswaan. Naaalala mo pa ba? Yung unang araw na ako'y binigyan mo ng pangalan, Lena. Napakagandang paringgan ngunit mahinang nilalang.

"Lena, sa susunod ulit ha. Lalabhan muna kita para matanggal ang lagkit sa katawan mo." bumulong siya nang may mala demonyong himig na siya ring nagpakaba sakin.

"Ayoko na. Hindi ko na kaya. Itigil mo na ang kahayupang ginagawa mo sa akin!" sinisigaw ng puso ko ngunit hindi ko kayang ibigkas.

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon