Piloto

14 2 0
                                    

"Tutoy, ano bang pangarap mo?"

"A...gusto ko sana maging piloto."

"Gusto ko rin 'yan! Para makakita na ako ng snow!"
"Buti ka pa 'yan lang ang gusto mo."

"Anong buti ka pa? ano ba kasi gusto mo?"

"G...gusto ko sanang sunduin si tatay bago ako maunahan ni Papa Jesus," banggit ni Tutoy habang lumuluha, hawak-hawak ang isang litrato ng kaniyang OFW na tatay na nakatakdang bitayin sa Saudi.

Pampalipas Gutom (Mga Kuwentong Maikling-Maikli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon