Baboy

890 11 2
                                    

[061216]

Malansa sa dugong may halong tubig at dumi, dinig ang pagtadtad sa mga karne ng tao na pinagkakaguluhan ng mga maiingay na baboy— na halos hindi nagkandamayaw sa pagbili. Hindi na bago pa sa kanilang palengke lalo pa't araw ng linggo.

Bitbit ang basket na may lamang dalawang kilong karne ng tao… inihanda niya ang sasakyan pauwi sa gubat kung saan naroon ang kaniyang tinitirhan. Nakangiti niyang iniluto ang hapunan, at nang matapos ay agad niya itong inihanda sa hapag-kainan.

Habang nasa kalagitnaan siya ng pagkain nito’y isang mahabang pagkakapos ng hininga ang nagpatigil sa kaniya...

At sa kaniya'y nagpagising sa isa palang panaginip!

Butil-butil ang pawis sa kaniyang mukha, naghahabol ng hininga, nakahilata’t hindi makagalaw sa sofa… muli niyang inisip ang kaninang napanaginipan niya, kasabay ng nakatulugan niyang telebisyon— pilit na kinalimutan ang ‘di niya masikmurang pagkain sa sariling laman.

At ang umano’y pagkakapalit ng kalagayan ng tao’t baboy sa sangkatauhan.

Hirap na hirap na bumangon sa pagkakahiga ang baboy na si Bob sa laki ng kaniyang tiyan.

DIKOGETS - Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon