[051918]
Sa unti-unting pagdilat ng dalagang si Tanya ay isang mukha ng nakatayong lalaki ang nabuo sa paningin n'ya. Nahihilo man gawa ng panyong naaalala pa rin n'ya na puwersahang itinakip sa kan'yang ilong, ay madali siyang bumangon at umatras sa pader ng silid.
"S-s-sino ka?" tanong n'ya na may halong pag-iyak, kaba, takot at pag-aalala, "Anong g-g-ginawa mo sa 'kin?" kasunod ang pagtakip niya sa katawan niya.
Pamilyar sa kan'ya ang mukha ng lalaki. Hindi n'ya alam ang pangalan nito. Pero nakasisiguro s'ya na iisang lugar lamang ang kanilang tinitir'han, at madalas n'ya itong namamataang palihim na nagmamasid sa kan'ya.
May tatô ang magkabilang braso nito, matangkad, malaki ang pangangatawan, may kahabaan ang buhok, may hikaw ang kaliwang tainga, at ang dala'y hindi isang pananamit na tipikal.
"Anong ginawa mo sa 'kin?! Ha?!" ulit na tanong ni Tanya.
Dahan-dahan lamang na gumuhit ang ngiti sa labi ng lalaki-na kapansin-pansing mayroong pasâ, "H'wag kang mag-alala, Tanya. Ligtas ka na."
BINABASA MO ANG
DIKOGETS - Koleksyon ng mga Dagli
Historia CortaMga orihinal na gawa ng malikot na isip ng may-akda... simula sa kaniyang pagiging hilaw... at pagiging hindi pa rin hinog. Kiligin, kabahan, matakot, masaktan, magulat, matawa, mapaisip, at mapasabi ng walang kamatayang linya na: DIKOGETS.