Selda

395 6 0
                                    

[032217]

"P're, ano naman ang kasalanan mo't napunta ka dito?" tanong n'ya sa kasama.

"A... magnanakaw ako. Nangho-holdap, nang-i-snatch, nang-aakyat ng bahay, ta's namamasok ng bangko kung minsan."

"'Yun lang?" tanong n'yang muli, humuhulas sa pawis ang mukha, "Takte, ang init dito, 'no?"

"Masasanay ka din. Ayon, bale... nakapatay din nga pala 'ko. Napatay ko 'yung misis ko—sila ng kabit n'ya. Putangina, nagnanakaw ako para ibigay luho n'ya, e. 'Di kasi kaya ng marangal na trabaho ko. Pero... kumalantari pa din. Tinodas ko," paglilinaw naman nito kasunod ang tanong, "Ikaw? Ano naman ang kasalanan mo't nandito ka?"

"Ako? A, e... nagpakamatay ako."

DIKOGETS - Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon