CCTV

188 3 0
                                    

[051818]

Alas dies.

Kitang-kita sa CCTV ng barangay kung paanong ginagahasa ng isang lalaki ang isang dalagita sa isang di-kadiliman na eskinita.

Puwersahang nakasandig ito sa pader habang walang habas na binababoy ng lulong sa droga. May takip ng maruming kamay ang bibig upang walang makarinig; punit ang pang-itaas at pang-ibaba, at bakas na bakas sa kanyang mukha ang pagmamakaawa.

Walang dumaan na ibang tao upang sumaklolo hanggang sa tuluyang makaraos ang giyang.

Mga unday ng saksak ang huling pangyayari.

Habang ang kasunod ay hindi na alam. Dahil natutulog lamang ang nakaharap sa kuha-na tinatawag na Panginoon-sa barangay ng Langit.

Alas dies y media.

DIKOGETS - Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon